Chapter 28: Tiarra. Mabilis lang ding natanggap ng barkada ang relasyon naming dalawa ni Elton. Somehow, I realized na tama nga sila, na dapat nagsabi kaagad kami noong una pa lang. But then, wala akong pinagsisisihan sa nangyaring naging fake in a relationship kami ni Elton dahil kung hindio iyon nangyari, hindi sana kami happily in a relationship ngayon. Ilang buwan na rin ang nakalipas pero parang hindi pa rin nakakamove on si Renzo. Hindi na talaga kami nagkausap at hindi na rin siya sumasama madalas sa barkada kapag alam niyang kasama kami ni Elton. Hindi ko alam kung napansin ba ng barkada iyon pero ako, pansin na pansin ko iyon. Ako lang naman yata ang apektado dahil ako lang naman ang dapat na makonsensya. Sa kaniya ako nagsabi noong masama ang loob ko kay Elton kahit na alam ko

