Chapter 34: Handle. Pagdating sa bahay, bukambibig pa rin ni mama at papa ang perpektong pamilya ng Silvestre. Sobrang saya nila na si Elton ang napili kong boyfriend, na tama na pumayag sila sa relasyon naming dalawa. Sa totoo lang, gusto ko nang sabihin sa kanila na hiwalay na kami ni Elton. Pero paano ko sasabihin iyon gayong ang saya nila? Na feeling ko kapag sinabi kong hiwalay na kami ni Elton, baka magalit pa sila sa akin. I don't know how to stop them from feeling happy. Nang nasa loob na ako ng kwarto ko, kusang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko. Ilang oras ko ring pinigilan kaya mala-gripo ang pag-agos ng mga luha ko sa aking mga mata. Natatangahan ako sa sarili ko. Kasi hindi ko inakala na maloloko ako ni Elton nang ganito. Na sa sobrang galing niyang magpanggap, naloko

