Chapter 4:
Oh My God!
I don’t know what to do. . . there is no easy way of letting go. . .
Ay teka parang kanta na iyon, ah? Oo nga, lyrics nga ng kanta. Pero sa totoo lang, iyan talaga ang pinuproblema ko ngayon.
Hindi ko alam kung mapaninindigan ko ba iyong desisyon ko na huwag tanggapin ang inaalok ni Elton sa akin. Kahit saang anggulo naman kasi, talagang hindi tama iyong gusto niyang mangyari. Hindi naman kasi siya inlove sa akin kaya ayos lang sa kaniya. Pero paano naman ako? Gusto ko siya, gustong gusto ko si Elton at kung mangyaring pumayag ako sa inaalok niyang iyon, sa huli, ako ang talo. Alam kong uuwi akong duguan... duguan ang puso. Aba s'yempre hindi naman ako shunga para hindi ko maisip iyong mga gano'ng bagay, alam kong sa huli ako at ako pa rin ang wasak sa laban ng pusong one sided love!
Pero on the other side, gusto kong patusin, kasi ito na iyong dream na matagal ko nang gustong maging come true! Sino ba namang hindi matutuwa sa galak kung yayain ka ng crush mo na maging girlfriend ka?
Well, ako lang ang hindi natuwa kasi peke nga at bakla pa siya.
Habang nag-aalmusal kami ng niluto ni mama na champorado, walang kaabog-abog na tinanong ko na kaagad si mama.
"Ma, anong tingin mo sa one sided love?" tanong ko kay mama habang abala ako sa pagbubuhos ng powedered milk sa champorado ko. I want it powdered! Kahit pa sabihin ng aking intrigerang malditang kapatid na ang weird ko, I don't care!
"Ang one sided love ay parang sugal. Sumusugal ka sa isang pag-ibig na alam mong pwedeng hindi ka manalo."
Tumaas bigla ang kilay ko sa sinabi ni mama pagkatapos ay sumandok na ako sa mainit-init pang champorado. "Ay bet!" sagot ko at saka isinubo ang isang kutsara ng champorado.
Kaagad na napahiyaw ako sa sakit nang maramdaman ang init ng champorado sa aking bibig, nakalimutan kong hipan! Ano ba naman 'tong pinaggagawa ko?!
"Iyan! Iyan ang one sided love, iyong alam mong mapapaso ka pero sige subo ka pa rin!" ani mama sabay iling-iling.
"Bakit parang relate na relate ka r'yan, asawa ko?" taas-kilay na tanong ni papa.
Napakibit-balikat si mama at saka nagsandok ng champorado mula sa malaking bowl papunta sa kaniyang sariling bowl.
"Ay hindi naman, naiinis lang kasi ako sa pinapanuod kong teleserye! Ang tanga no'ng babae e. Alam naman niyang may ibang gusto iyong gusto niya, pero talagang ipinagsisiksikan pa ang sarili! Hay naku!"
"Huwag ka ngang magbabad sa kanunuod ng teleserye ma, masisira ang utak mo r'yan," busangot na ani Ate Demi, nagsisimula na namang manghawa ng negative awra.
Hindi na kami pare-pareho nagsalita, alam naming masisira na talaga ang buong araw sa oras na umariba na naman ang ka-negahan ng ate kong negative. Hindi na rin naman ako nagtanong ng another question kasi medyo nasasaktan ako sa katotohanang baka nga talagang sugal ang gagawin ko sa oras na mag-dive ako sa patibong na inihahain ni Elton. It's like a big big black hole na gusto niyang pumasok ako nang walang kasiguraduhan kung ano nga ba talaga ang kahihinatnan ko papasok doon! Nakakalerkey!
As usual, katulad ng mga araw na nagdaan, nadatnan ko si Tiarra na nag-aabang sa akin sa harap ng gate ng school kasi madalas naman talaga siyang mauna sa akin. Mabagal kasing kumilos ang ate kong nega, kaya naman pati ako ay damay sa pinaggagawa niya.
Busy si Tiarra sa kadududotdot sa kaniyang cellphone kaya hindi niya kaagad ako napansin. Nang makalapit ako sa kaniya, kaagad na sinundot ko ang tagiliran niya na dahilan para impit na napatili siya.
"Ay!"
Napalingon tuloy sa amin ang mga estudyante sa paligid. Habang ako naman ay napahagikgik kasi ang cute ng reaksyon niya.
"Sinong ka-text mo?" tanong ko sabay taas ng kilay. Intrigera ang peg.
Ngumuso siya at saka nagkibit-balikat.
"W-wala ah, naglalaro lang ako ng Talking Tom," aniya sabay pakita ng cellphone niya. Si Tom nga talaga ang bumungad sa akin.
"Pambata iyan, a?" Nakangiwing sabi ko.
Ngumiti siya sa akin at saka ikinawit ang kamay niya sa braso ko, "Let's go! Don't put me in the hotseat again!"
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at saka dumiretso na kami papasok sa loob ng school. Siguradong malapit nang mag-ring ang bell kahit na hindi ko kasi tingnan ang relo, automatic na dahil nagtatakbuhan na ang mga estudyante na akala mo naman e mamamatay kung male-late kahit isang beses lang sa buhay nila. Pero kunsabagay, katakot takot na kabawasan sa grade ang pagiging late. Iyon ang rule dito sa school namin. Pang mga matatalino itong university na ito, makakapasok ka lang kapag katanggap-tanggap sa kanila ang grado mong puro line of 9. Kaya mabuti na lang at section 1 kaming grumaduate ng mga kaibigan ko. Sama-sama pa rin kami sa iisang school kahit na iba-iba na ang degree program.
"OMG! Ang gwapo pa naman niya tapos bakit gano'n? Sayang!"
"Sa tingin mo ano kaya ang magiging reaksyon ng mga kuya niyang brusko kapag nalaman nilang malambot siya?"
"For sure na magagalit ang mga iyon. Balita ko medyo strikta pa naman ang nanay nila, dati pa nga sinapak daw niya iyong si Peter ba 'yon kasi nalaman na nagpaiyak ng babae. Ano kayang gagawin niya sa anak niya kapag nalamang bakla?"
Tumaas ang kilay ko sa nadaanan naming bulungan. Dapat ni-require din sa school na ito na bawal ang chismosa at chismos, male-late na at lahat pero nagchichismis-an pa! Pakialam na nila kung bakla?
Hindi ko na lang din iyon ininda. Hinayaan ko lang, not until we reach our classroom, wala pa ang ibang mga kaklase namin doon maliban sa nerd naming kaklase at ilang top student na naroon sa pinakaunahan.
Agad naman akong naupo sa sarili kong upuan at nilingon si Ricardo na hindi mapakali sa kakakalabit kay Elton. Nakayuko kasi ito, duma-drama Queen na naman ang peg.
"Bakit naman kasi ang dami mong issue? Gaga ka talaga! Ang landi mo kasi kaya iyan ang mga nangyayari sa'yo!" Halatang pinagagalitan ni Ricardo si Elton.
Napairap na lamang ako, for sure iyon na naman ang issue na bakla siya. Pakalat na nang pakalat sa school ang issue niya kaya dapat magtino na siya habang hindi pa kumakalat hanggang sa mga kuya niya. Ano na naman kayang ginawa ng lalaking 'to at may issue na naman? E kung nagpapakalalaki lang sana siya, hindi sana ganito.
Siniko ako ni Tiarra kaya kaagad naman akong napalingon sa kaniya.
"Bakit?" taas-kilay na tanong ko.
Sumenyas ang nguso niya sa likuran namin pero inirapan ko lamang iyon. Wala akong magagawa kung ayaw niya akong ligawan. Alam kong pabebe ako, mas maigi nang magpabebe kaysa magpahalatang gustong gusto ko siya. Like duh?
"Iyong isa kasi r'yan, hindi manlang marunong tumulong sa kaibigan!" Pagpaparinig ni Ricardo.
Narindi ang tenga ko at kaagad na nilingon silang dalawa, si Elton ay nakayuko pa rin habang si Ricardo ay nakataas ang kilay na sinalubong ang taas ng kilay ko. Pataasan kami ng kilay kung gano'n!
"Iyong iba kasi r'yan, walang pakialam sa feelings ng kaibigan. Alam namang may gusto sa kaniya, hindi manlang naisip na baka ma-hurt someday!" Inirapan ko si Ricardo at kaagad na humarap na sa blackboard.
Sakto namang nagtakbuhan ang mga almost late na naming kaklase dahil sa pagmamadali. Kung hindi ba naman kasi palaging last minute na papasok, edi sana hindi nagtatakbuhan.
First subject namin ito, which is Economics. Isa sa pinakaboring na klase hindi dahil boring ang mismong course, kundi dahil boring mismo ang professor namin na kung magturo ay para bang inaantok dahil sa sobrang hinhin kung magsalita.
Hanggang sa natapos na lamang ang klase na puro paghihikab na lamang ang nangyari sa buong klase. Hindi ko alam kung napapansin ba ng prof namin na ganoon ang buong klase namin pero sana naman kung hindi niya napapansin, someday mapansin na niya para naman maging energetic na siya sa susunod. Minsan gusto ko na lang siyang bigyan ng enervon, ang aga-aga kasi, dapat kapag umaga galingan ang energy! Kahit ba milo hindi siya umiinom?
"Baks, ang tagal mo namang magligpit diyan, naiihi na ako. Pwede bang mauna na ako tapos sumunod ka na lang?" tanong ni Tiarra sa akin.
Kaagad naman akong tumango kasi abala pa ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Madalas na tamad akong magligpit ng sarili kong lamesa kaya pagdating ng breaktime ay nagkukumahog akong magligpit. Nang matapos ay saka ko lang napansin na kami na lang ni Elton ang natira sa buong classroom. IIling-iling na dinukot ko ang wallet ko sa aking bulsa, ang bibilis talaga kapag breaktime.
Napatingin naman ako kay Elton na katatayo lang din. Inirapan ko siya at saka mauuna na sanang lumabas pero hindi ko iyon nagawa dahil halos magkandarapa siyang humabol sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Taas-kilay na nilingon ko siya at nasalubong ang paawa effect niyang mga mata.
"Diem, parang awa mo na. Kailangang kailangan talaga kita," aniya. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin gamit ang puppy eyes niya.
Napasinghap ako, bakit ganoon? Nakakainis naman talaga, kung bakit ba naman kasi ganito siya ka-gwapo e. Ang hirap tuloy kapag ganyan na siya kalapit, nahihirapan ako nang bongga! Marami namang lalaki r'yan na hindi naman kagwapuhan, bakit hindi na lang sila ang maging bakla?! At isa pa, ang dami daming gwapong lalaki pero bakit siya pa ang nagustuhan ko? Why is this life so cruel?!
"Ligawan mo muna ako," panghahamon ko sa kaniya. Sinubukan ko na ring magpa-cute kasi baka umepekto.
At saka, baka i-consider ko pa kung liligawan niya ako. Hindi niya ba alam na ang mga dalagang pilipina na tulad ko ay dapat nililigawan muna bago mapasagot?
Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya bigla ang magkabila kong kamay. Humakbang siya palapit sa akin habang nakatitig pa rin sa mga mata ko using his tantalising eyes. Oh my gosh! Huwag kang magpapaakit dyan, Diem! Huwag! Kawawa ka kapag bumigay ka sa baklang iyan dahil siguradong puso mo lang ang mawawasak!
"Hindi naman tayo magiging totoong mag-jowa, isipin mo na lang na makikilala mo ako nang husto habang nasa ganitong relasyon tayo. Kung ipagpapatuloy mo pa ba or hindi ang pagkakagusto mo sa akin," aniya.
Napalunok ako habang magkatitigan kaming dalawa, totoo nga naman ang sinabi niya. Sabi nila, hindi mo makikilala ang crush mo hangga't hindi mo nagiging karelasyon pero. . . Mayroon bang ganoong kasabihan? Ay este, paano na lang kung mas magustuhan ko siya habang nasa fake relationship kami tapos ako pa rin ang talo sa huli?
"B-bakla ka ba talaga?" nauutal na tanong ko. Umaasa ako na sana ay hindi talaga siya bakla. Na sana joke lang 'to o kaya e ginagawa niya lang dahilan para mas mapalapit sa akin kasi baka may gusto rin siya sa akin at ayaw niya lang na aminin.
"Bakla nga talaga ako," mahinang sagot niya.
Bumuntong-hininga ako, ang sakit talaga ng katotohanan. Ang hirap tanggapin para sa katulad kong ilang taong nagpantasya sa crush niya tapos sa huli ay ito lang ang kahihinatnan. Pero, siguro hindi pa naman huli ang lahat para i-test siya kung may pag-asa pang maging lalaki siya ano?
Okay, I will try.
Humugot ako ng malalim na hininga.
One, two, three!
Iyong dalawang kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko ay kaagad kong ipinatong sa dalawa kong dyoga. I know, hindi pa ito ganoon kahinog. Pero alam kong sapat na para malaman kung bakla ba talaga siya.
Parang nag-slowmo ang paligid, iyong akala mo, e nasa teleserye kami with matching sound effects pero s'yempre wala in real life. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang umaawang ang labi dahil yata sa gulat. Ang kaninang paawa effect na ekspresyon niya ay naglaho, rumehistro ang pagkasuya sa kaniyang mukha. Para bang nakakadiring nilalang ako. Na parang tae ang hinawakan niya!
"What do you feel? Bakla ka pa rin ba?" umaasang tanong ko kahit na kitang-kita ko naman na sa mukha niya ang ebidensya. Kasi baka ganyan lang talaga siya kung mag-react. Who knows?
Suminghap siya, na para bang naghabol siya ng hininga dahil sa pansamantalang pagpigil ng hininga niya. Nagsimulang masaktan ang puso ko.
"Oh my God," he breathed.
Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ko sa kamay niya hanggang sa. . .
"Oh my God! I can't take it!" Tili niya at saka kumaripas nang takbo palabas ng classroom.
Dismayadong bumagsak ang balikat ko.
"Bakla talaga." Napapailing na sabi ko.