CHAPTER 5: SIGE NA NGA

2099 Words
Chapter 5: Sige Na Nga. Matamlay na nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa kawalan, este sa professor pala namin na abala sa pagdi-discuss about calculus. Alam kong mahina ako sa math at kailangan kong mag-focus sa tuwing nagdidiscuss siya dahil sa oras na hindi ako nakinig ay siguradong lagapak ako nito. Mahirap kasing sundan ang math, malingat ka lang nang kaunti siguradong maliligaw ka na at hindi mo na alam kung paano. Pero hindi ko kasi talaga magawang makapag-focus lalo na ngayong iniisip ko pa rin at nasa utak ko pa rin talaga ang nangyari kanina. Parang isang panaginip lang, ang bilis ng pangyayari. Ilang taon kong pinangarap si Elton, ilang taon akong naglaway habang tinititigan siya mula sa malayo dahil sa angking kagwapuhan niya tapos ngayon lang ay napatunayan ko kaagad na bakla nga talaga siya. Lintek na pag-ibig chururut ito, bakit ba hindi na lang ako mag-move on? "Ano bang nangyayari sa'yo? Mula kaninang breaktime hanggang ngayon ang tamlay mo," ani Tiarra habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na milktea shop dito sa university namin. Uwian na at hindi kami nagkasabay-sabay dahil abala ang iba sa kaniya-kaniya nilang lakad. May mga times talagang hindi kami sabay pero madalas na nagsasabay kaming magbabarkada. Mabuti na lang nga at hindi kami nagkasabay-sabay ngayon dahil kung oo, malamang na ookrayin at gigisahin na naman ako ng mga kaibigan kong daig pa ang chef sa galing kung manggisa. "Bakla nga talaga si Elton," malungkot na sagot ko. Napailing-iling si Tiarra at saka itinulak ang glass door papasok sa milktea shop. "Sabi ko naman sa'yo e, noon pa man naaamoy ko na ang sangsang ni Elton. Bakla nga talaga siya kaya huwag ka nang umasa." Napabuntong-hininga na lamang ako at saka sumunod sa kaniya papasok sa loob ng shop. Naupo ako sa usual spot namin ni Tiarra at hinayaan ko siyang mag-order, alam naman na niyang ang favorite ko ay tarro flavor na may maraming creamcheese. Nakapangalumbaba akong naghintay sa kaniya habang nakatanaw ako sa labas. Kita ko mula sa pwesto kong nasa tabi ng glass window ang mga sasakyan sa kalsada at ang mga dumadaan sa gilid. Ang madalas na gawin ko sa tuwing pupunta kami rito ni Tiarra ay ang bilangin ang mga dumadaang tao para hindi ako maboring pero ngayon wala akong ganang magbilang. Talagang tulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang gusto ko na lang ay ang makahigop ng matamis para naman maibalik ang energy ko. Ngayon lang ako naging matamlay nang ganito sa loob ng ilang taong crush ko si Elton. Araw-araw akong masaya nang dahil sa kaniya. Araw-araw akong inspired nang dahil sa kaniya. Halos hindi ako uma-absent at talagang nagpapakitang gilas ako sa klase para lang ma-notice niya ako. Kaya lang naman it took so long para mag-confess ako ay dahil natatakot ako na baka hindi niya ako gusto at pati ang pagkakaibigan namin ay mawala nang dahil lang sa feelings kong ito. Naupo sa kaharap kong upuan si Tiarra at inilagay ang milktea ko sa tapat ko at saka nakitanaw na rin sa labas. "Huwag kang mag-alala, marami pa namang lalaki r'yan e. Iyong lalaki talaga at hindi bakla. Move on ka na lang talaga baks," aniya. Pagod na tumango ako at saka kinuha iyong milktea ko at kaagad na humigop sa straw. Saktong pagkalunok ko ng tapioca pearl ay naaninagan kong naglalakad si Elton at Rica habang nag-uusap. Kaagad na nag-usisa ako at mas umurong sa gilid ng glass window para mas makita ko sila. Halata kay Elton na malungkot siya habang kausap ni Ricardo. At sigurado akong dahil iyon sa nahawakan niya ang dyoga ko. Sino ba namang bakla ang hindi maiinggit sa dyoga ng babae? "Kahit ano yatang sabi sa'yo ni Elton na bakla siya, hindi mo pa rin yata matatanggap. Grabe ka baks! Kung makatingin ka r'yan, parang mas gusto mo pang higupin si Elton kaysa sa milktea mo." "Malungkot siyang nahawakan niya ang dyoga ko," wala sa sariling sabi ko. "Teka, anong sabi mo? Nahawakan niya ang dyoga mo?" gulantang na tanong ni Tiarra. Huminto sa paglalakad sina Ricardo at Elton nang may humarang sa kanilang dalawang babae. Iyong isang babae ay para bang kinikilig-kilig pa. May hawak itong papel na mukhang love letter. Kaagad na napataas ang kilay ko. Teka nga, ano ito? Akala ko ba may issue na siya na bakla siya pero bakit may nagtatangka pa ring magconfess?! "Hoy Diem! Una ay nagpahalik ka sa kaniya, tapos ngayon malalaman laman ko nagpahawak ka na ng dyoga? Nababaliw ka na ba talaga?!" Kahit pa naririnig ko ang mga sinasabi niya, hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Tiarra. Mas nag-focus ako sa kung anong gagawin ni Elton, kung tatanggapin ba niya iyong iniaabot ng babae na love letter o iignorahin niya ito. Itong mga babaitang ito! Ni hindi manlang nahiya! Nasa gilid pa ng kalsada! "Diem! Hoy magpaliwanag ka nga sa akin–" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makitang siniko ni Ricardo si Elton na para bang sinusulsulan pa nito ang kaibigan habang si Elton naman ay mukhang nagdadalawang-isip pa rin. Naiinis ako kay Ricardo dahil sa pagiging sulsulera niyang bakla! Napa-atras ako nang marahang umangat ang kamay ni Elton at aabutin na sana ang love letter pero kaagad akong kumaripas nang takbo palabas ng milktea shop. Wala akong pakialam kung madapa man ako o ano basta ay maabutan ko sila at hindi dapat tanggapin ni Elton ang love letter na iyon! "Diem!" sigaw ni Tiarra sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan, nagmamadali akong makalabas ng shop. Bahala na muna siya riyan, mas importante ngayon ang one and only ko! "My loves!" malakas na sigaw ko na nagpahinto sa kanilang apat. Taas ang kilay na nilingon ako ng dalawang babae habang si Elton at Rica naman ay parang hindi makapaniwala nang makita ako. Pinanlakihan ako ng mata ni Rica, sabay senyas sa bibig niya ng "what are you doing?" Pero hindi ako nagpapigil, talagang mas lumapit ako at saka kumapit sa braso ni Elton na aking my loves. Sino bang mag-aakalang bakla itong lalaki na ito? E ang tigas kaya ng braso! "My loves, akala ko ba magde-date tayo sa milktea shop? Ang tagal mo naman e!" pagpapabebe ko sabay nguso. Bumaba ang tingin niya sa akin at saka sapilitang ngumiti. Tinitigan niya ako na para bang sinasabi sa akin na magpaliwanag ako sa ginagawa ko mamaya. "Ano? Hindi na ba tayo tutuloy? Nakahanap ka na ba ng iba?" taas ang kilay na sabi ko. Napipilitang tumango siya at saka hinawakan ang kamay ko, "Oo naman, ano kasi, tatanggihan ko sana itong nagbibigay sa akin ng envelope. Alam ko kasing selosa ka," aniya. Halos gustong kong mapairap sa sinabi niya. Kasi oo na, alam kong selosa ako kaya nasa ganitong sitwasyon ako! Hindi ko rin alam kung bakit para akong tangang tumakbo palabas para lang pigilan ang mangyayari. This is how crazy I am with Elton Mckevin! Oh holy! Bakit ba kasi ganito ako kaselosa?! - "I thought ayaw mong pumayag sa fake girlfriend na inaalok sa'yo ni Elton?" taas ang kilay na tanong ni Rica matapos niyang humigop sa wintermelon milktea na in-order niya. "Ayaw nyo ba? Kasi kung ayaw ninyo edi huwag na lang–" natigil ako sa pagsasalita nang hawakan bigla ni Elton ang kamay ko. Kotang kota na itong baklang ito sa pahawak-hawak niya ng kamay sa akin ha. Kikiligin na sana ako e, ang kaso wala nga palang ibig sabihin ang lahat. "Hindi! Gusto ko," aniya. Napangisi ako. Alam kong masyadong padalos-dalos ang desisyon kong ito. Pero naisip ko kasi kani-kanina lang, na baka kaya ko pang isama si Elton sa pagkahulog sa akin. Mayroon namang mga bakla na nagkakagusto sa babae, na nagkakaroon pa ng sariling pamilya kasama ang isang babae. Baka naman may pag-asa pa, kaya take the risk na rin kahit na papaano. "Pero s'yempre may mga kondisyon tayo na dapat sundin," ani ko. Biglang kinabahan ang mukha ni Elton habang si Rica ay napairap na naman. Sa totoo lang, gusto ko nang tusukin ang mga mata ng baklitang ito dahil kanina pa siya irap nang irap. Kung hindi lang ako naaawa sa makakapal niyang pilikmata, baka tinusok ko na talaga ang mga mata niya. "Kahit anong kondisyon, payag ako!" sagot ni Elton. Inangat ko ang kanang kamay at saka inangat ang tatlong daliri ko. Indication na there is three conditions. "Tatlong kondisyon na dapat nating sundin." "Just spill it girl, pa-suspense pa e," ani Rica. Ngumiti ako bago nag-umpisa, "Una, bawal ang kiss. Kahit sa pisngi ko, bawal." Nanlaki ang mga mata ni Rica sa sinabi ko, habang si Tiarra naman ay napaangat ang kilay. Para bang alam niyang may hidden agenda ako. "Paano naman mapapakita sa iba na kayo na talaga kung kahit sa pisngi bawal?" tanong ni Rica. Nagkibit-balikat ako, "Bakit? Kiss lang ba ang pwedeng patunay ng pag-ibig?" Natahimik si Ricardo sa sinabi ko habang si Elton naman ay napabulong-bulong pa sa tabi ko. Oo na, alam ko ang ginawa kong paghalik kay Elton. Exception iyon kung ako ang humalik! Pero s'yempre hindi ko na sasabihin itong nasa utak ko kasi kami lang naman ni Elton ang may alam ng nangyari sa tapat ng bashurahan. "Sige na, move on na tayo. Hindi naman ako magtatangkang halikan ka," ani Elton sabay higop sa milktea niya. Imbes na matuwa na gagawin niya ang rule number 1, medyo nasaktan ako sa fact na hindi siya magtatangkang halikan ako. Napairap ako bago ipinagpatuloy ang sumunod. "Rule number 2. Bawal makipag-date sa ibang lalaki habang nasa fake relationship tayo." Tumango si Elton, maging si Ricardo at Tiarra ay sang-ayon doon. "At para mawala na rin naman ang issue sa'yo, dapat matuto ka ring pigilan ang kalandian," ani Tiarra. "Girl, hindi siya malandi. Iyong mga baklang iyon ang lumalapit sa kaniya, marupok lang talaga iyang baklang iyan!" pagtatanggol ni Rica. Napailing na lang ako sa kanila nang magsimula na silang magtalo. Nagtatagisan kung sino ba talaga ang totoong malandi, si Elton ba o iyong mga lalaking umaaligid sa kaniya. "Rule number three, may kapalit ang lahat ng ginagawa kong ito. Pag-iisipan ko pa kung ano 'yon. At saka gagawa ako ng kontrata, ibibigay ko sa'yo bukas." Napaturo sa akin si Rica habang nanlalaki ang mga mata, "See? It wasn't a sincere help! I told you, may kapalit iyan!" "Sshh, that's all fine Ricardo. She's making a favor for me kaya dapat mayroon din akong gawin for her." Napangiti ako at saka inilabas ang dila para asarin si Ricardo. I don't know kung may gusto ba siya kay Elton o ano dahil sa paraan ng pagtatanggol niya rito pero sana naman hanggang magkaibigan lang itong dalawang ito lalo na at kapag nagkagustuhan sila, talong-talo ako! Matapos ang pag-uusap namin sa milktea shop, nagpasya na kaming umuwi lalo na at nagtext na si Mang Goyo na susunduin niya na raw ako dahil pinapasundo na ako ni mama. Naunang umuwi sila Rica at Tiarra, sabi nila kailangan daw nilang mag-make way para makapag-usap pa kami. Sabay kaming naglakad ni Elton habang papalabas ng milktea shop, ramdam kong may gusto siyang sabihin pero ayaw niya lang sabihin. Napakatahimik niya para sa isang bakla, pero kunsabagay, ganoon naman talaga ang may mga itinatago, tatahi-tahimik para hindi mabuking. Nang malapit na kami sa kalsada, hindi na ako nakatiis pa. Nauna na akong huminto sa paglalakad at hinarap siya. Malamyang napatigil din naman siya sa paglalakad na para bang nagulat kasi humarap ako sa kaniya. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin," ani ko. Isinuksok niya ang dalawang kamay niya sa magkabila niyang bulsa, "Thank you," aniya sabay kibit-balikat. Marahan akong tumango at saka tinalikuran na siya, nauna na akong naglakad dahil naaninag ko na ang sasakyan namin. "See you bukas!" paalam niya pa sa akin bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Hindi ko nga lang alam kung anong mukha ko ang ihaharap ko sa kanila lalo na ngayong bigla na lang akong nagdesisyon dahil sa selos. Gosh, what did I do? Ngayon, kailangan ko rin palang pag-isipan itong hihilingin ko sa kaniya. Kasi dapat worth it at hindi ko pagsisisihan sa oras na matapos na ang kalokohang ito. I know that this is a lame decision but I think there's nothing wrong if I take the risk. After all, I need to feel pain to learn what the meaning of love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD