Chapter 6:
First Day
Halos mapudpod na ang mga kuko ko sa daliri dahil sa kakakagat. Iniisip ko kung ano ba talaga ang magandang kapalit ng lahat ng gagawin ko para kay Elton, iyong sure na talagang hindi ako lugi. Kasi kapag mali iyong hiningi kong kapalit, malamang na kawawa talaga ako at sayang ang pagpapanggap kong ito.
Bumaba ang tingin ko sa bondpaper na sinulatan ko ng kontrata naming dalawa at muli iyong binasa.
CONTRACT FOR FAKE GIRLFRIEND
This contract is approved by Donita Diem Martin and Elton Mckevin Silvestre. If ever one of them do what is against the rule, they need to break the contract immediately.
Rule #1: No kiss. On lips, on cheeks or even on the forehead.
Rule #2: While inside the contract, no one can involve in another relationship.
Rule #3:
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong mailagay sa number 3. Wala kasi akong maisip na pwedeng ilagay doon! Bumuntong hininga ako at saka walang magawang isinulat ang kung ano mang nasa isip ko.
Rule #3: Elton Mckevin Silvestre should do anything that Donita Diem Martin wants him to do before the end of contract.
Signature:
Signature:
This contract will expire next year.
Nagkibit-balikat ako at saka kaagad na tumayo para lumapit sa may study table, kaagad kong i-xi-nerox sa xerox machine ang isinulat kong kontrata para ibigay ko iyon sa kaniya. Bukas na bukas din ay mag-uumpisa na kami sa pagpapanggap na magjowa, at syempre, bukas din ay sisiguruhin kong mag-uumpisa ang step one para akitin ang baklang alam kong may itinatagong p*********i.
Sa loob ng isang taon, gagawin ko ang lahat. Ang lahat ng pwede kong gawin para lang maakit ko siya at magawa kong mahulog rin siya sa akin. At kung hindi pa rin umepekto, siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa, siguro nga, talagang para siya sa isang lalaki at hindi para sa akin. . .
Kaagad akong natulog nang matapos kong i-xerox ang kontrata. Kailangang pretty ako bukas kapag nakita niya ako, kailangang mahulog ang panga niya sa angking ganda ko.
Feeling fresh ako nang magising ako dahil sa pagtilaok ng manok, that is my alarm clock. Walang manok dito sa amin and I miss the feeling of being in probinsya vibe, so I set my alarm tone like that.
Kaagad kong in-off ang cellphone ko at excited na bumangon mula sa higaan. Patakbong tinungo ko ang banyo para maligo. Gusto ko nang mag-ayos at mag-make up para talagang sure na maakit siya sa akin.
Nang matapos akong maligo, dumiretso ako sa closet ko at nagbihis ng uniform. Maganda sana kung mas maiksi pa ang palda namin sa uniform para makita niya ang makinis kong legs pero wala na akong magagawa pa rito. Matapos magbihis ng uniform, kaagad na nag-blower ako ng buhok at inilugay ito na madalas hindi ko gawin dahil naiirita ako sa buhok ko. Sabi sa akin ni Tiarra noong minsang inilugay ko ito, bagay raw sa akin at ang ganda ko kaya naisipan kong ilugay. Matapos mag-ayos ng buhok ay naglagay ako ng kaunting make up sa mukha at kulay fuscia na liptint kahit hindi pa ako naglagay nito ever since! Si mama lang naman ang bumili nito pero ngayon ko lang ginamit! Simple lang pero alam kong pak ito para kay Elton. Dinala ko na rin sa bag ko iyong liptint, aba s'yempre in case of emergency!
Pagkababa ko mula sa second floor ng bahay namin, naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng niluluto ni mama na sinangag na may itlog. Ang bango bango kaya nagmadali akong tumungo sa kusina para makakain na.
"Ang bango ma!" puri ko at saka naupo sa silya.
Nilingon niya ako, maging si papa na abala sa paglalaro ng hindi ko alam na online game ay napatigil nang makita ako.
"Bakit ganyan ang itsura mo? May pinapagandahan ka ba?" takang tanong ni papa sa akin.
Ganoon ba kahalatang nagpaganda ako today? Hindi ba pwedeng extra beautiful lang ako ngayong araw na ito?
"Papa naman! Araw-araw naman akong maganda," palusot ko.
Nanliit ang mga mata niya na halatang nagdududa sa isinagot ko. Si mama naman ay napangiti na lamang at saka ibinalik ang atensyon sa niluluto niya.
"Huwag ka namang ganyan, malay mo naman gusto na talagang magmukhang dalaga ng anak mo kaya nagpaganda siya nang ganyan," pagtatanggol ni mama sa akin.
Nagkibit-balikat ako, "Exactly!"
Pero mukhang hindi pa rin kumbinsido si papa, napailing na lamang siya at saka ibinalik ang tingin sa hawak niyang cellphone. Hinayaan ko na lang din at hindi na ako nagpaliwanag pa kasi alam kong ookrayin na naman ako ng papa ko. Kadalasan sa mga tatay, sila iyong mga silent type lang pero itong si papa, very vocal to the point na palagi kaming inookray ni ate kapag may napansin siyang kakaiba.
Nang makarating ako sa school, naroon na si Tiarra sa tapat ng gate pero hindi lang siya ang naroon, bahagyang sumilay ang ngiti ko nang makita ko si Elton sa tabi niya habang nakapamulsa. Ang tangkad niya, hanggang balikat lang niya si Tiarra na 5 flat lang ang height. Mabuti na lang talaga at kahit paano e, 5'3 ang height ko. 5'11 kasi ang height ni Elton at alam kong tatangkad pa siya dahil bata pa naman kami.
Nang makalapit ako sa kanilang dalawa, kaagad na nag-angat ng tingin sa akin si Elton. Kumabog ang puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Itim na itim ang mga mata ni Elton, hindi katulad ng ibang lalaking pantasya ng lahat. Pero kahit na simple lang ang kulay ng mga mata niya, nakakaakit naman dahil sa mapupungay nitong mga mata na para bang palaging inaantok kahit hindi naman. Matangos din ang ilong niya, pero hindi iyong matangos na parang pang-witch, sakto lang. Iyong labi niya, manipis lang pero ang kurba, pak!
"Natulala ka baks?" Natauhan ako nang tanungin iyon ni Tiarra.
Kaagad na ibinaling ko ang atensyon ko kay Tiarra para iwasan ang pag-du-drool kay Elton. Nakakainis naman, bakit ba kasi parang ako yata ang naakit imbes na siya? Gosh, kailangan hindi ako magpahalata na masyado akong inlove kay Elton!
"Naglagay ka ng liptint?"
Pareho kaming napalingon kay Elton nang itanong niya iyon. Napataas ang kilay ko nang humakbang siya palapit sa akin.
"Mali ang pagkakalagay mo," aniya pa.
"Teka, liptint ba 'yang nilagay mo, Diem? Akala ko lipstick!" sabat pa ni Tiarra.
Iirapan ko na sana si Tiarra pero natigil ako nang nakatitig pa rin si Elton. Nakakahiya na nagkamali ako ng pagkakalagay ng liptint! First time ko kasing gumamit nito, e! Aba malay ko ba naman? Imbes na maakit ko siya, mukhang turn off na kaagad!
Umangat ang kamay niya at saka hinawakan ang labi ko, gulat na nanlaki ang mga mata ko nang punasan niya ang itaas at ibabang bahagi ng labi ko para alisin yata iyong sobra. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang kaba! Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano pero grabe talaga ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"Kapag naglagay ka kasi ng liptint, lagyan mo lang nang kaunti itong gitnang bahagi ng labi mo at saka mo ikalat sa buong labi mo. Hindi kasi magandang tingnan lalo na at parang lipstick ang pagkakalagay mo, pulang-pula tuloy."
Napalunok ako at saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. Naabutan ko si Tiarra na ngingiti-ngiti habang nakatingin sa akin.
"T-tara na! B-baka ma-late tayo," pag-iiba ko ng usapan.
Kumapit kaagad ako kay Tiarra para hilahin siya papasok, hindi ko alam kung ramdam ba ni Tiarra ang awkward feeling na pakiramdam ko pero feeling ko oo dahil hindi rin siya nagsasalita. Gosh, habang ginagawa niya iyon kanina halos hindi ako makahinga!
Malapit lang ang main gate sa building kung nasaan ang classroom namin pero pakiramdam ko ang bagal bagal ng oras! Ramdam kong nakasunod lang si Elton sa amin at ngayon, conscious na conscious ako kung ano ang itsura ng likod ko. Medyo pinakekendeng ko ang pwet ko para naman isipin niyang sexy ako kaya sana naman ay mapansin niya!
Nang nasa harap na kami ng classroom, kaagad na sinulyapan ko ang relo kong nasa aking wrist. Nang makitang may halos ten minutes pa naman kami, bumuntong-hininga ako at saka nilingon si Elton.
"Mauna ka na sa loob, magbabanyo lang muna kami ni Tiarra!" sabi ko sa kaniya.
"Huh? Magbabanyo ba tayo?" gulat na tanong ni Tiarra.
Nilingon ko siya saglit at saka siya tinaasan ng kilay. Sabay kaming napalingon kay Elton at tumango.
Tumango rin naman si Elton at saka ngumiti, oh gosh! Why is he smiling like that? He was so handsome!
"Alright, I'll just wait for you inside."
Hinintay kong makapasok si Elton sa loob ng classroom bago ko hinatak si Tiarra na panay ang reklamo dahil raw sa mga pinaggagawa ko. Nang makarating kami sa banyo ng girls, kaagad akong napatili para ilabas ang lahat ng kilig na nararamdaman ko. Ngunit nahinto ako nang may nagbukas na estudyante mula sa isang cubicle. Nakakunot ang kilay nito na para bang nakakita siya ng baliw na tumitili na lang bigla.
"Tingin-tingin mo r'yan?" taas ang kilay na tanong ko doon sa babae. Mukha namang natakot kasi kaagad na lumabas ng banyo. Ayaw ko pa naman sa lahat ay nang-iintriga!
Matapos no'n ay nilingon ko si Tiarra na ngayon ay malapit nang umabot sa anit ang kilay niya dahil sa sobrang taas.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit may patili-tili ka pang nalalaman d'yan?" taas ang kilay na tanong sa akin ni Tiarra.
"Baks, hindi ko na kasi mapigilan ang sobrang kilig ko. Nakita mo naman ang ginawa niya kanina, 'di ba? He touched my lips–"
"To remove the excess liptint that you put on your lips," she stopped me.
"Yes, pero nakakakilig iyon baks! You don't know kung paano kumabog nang husto ang puso ko dahil sa kaba at sa sobrang kilig at kung hindi ako titili, baka mamaya sumabog na ako!" paliwanag ko sa kaniya.
Pero mukhang hindi siya satisfied, kaya napanguso ako.
"Tiarra, I know that you are against of this pero think of it, paano kung habang nasa ganitong klaseng relasyon kami biglang ma-develop ang feelings niya for me?"
Napailing siya, "Or not? What if you end up getting hurt because of what you are doing right now?"
Ramdam kong nag-aalala siya, pero gusto ko ito at alam kong someday ay matatanggap niya rin ang desisyon ko.
"Please? Help me with this? I will seduce him at all cost!"
Napairap siya sa sinabi ko kaya mas ngumuso pa ako para ma-cute-an siya sa akin. Alam kong hindi niya ako matitiis, I know her so much.
"Sige na nga!" halatang napipilitang sagot niya.
Kaagad ko siyang niyakap dahil sa sobrang tuwa. I know she's against of it but I know too that she will do everything just to help me. Si Maria Tiarra pa ba?
Matapos naming magyakapan, kaagad na lumabas na kami ng CR dahil siguradong male-late na kami kung magtagal pa kami doon. Napagpasyahan naming pumunta sa bahay nila mamaya para i-kwento ko sa kaniya ang lahat ng gusto kong mangyari. Para naman alam niya naman kung ano ang mga nasa isip ko.
Nang makarating sa classroom, naroon na halos lahat ng mga kaklase namin including Ricardo na abala sa pangongopya ng homework kay Elton. For sure na napuyat na naman iyan sa panunuod ng drama kaya hindi nakagawa ng homework.
Kinawayan ako ni Elton at saka ngumiti. Ewan ko ba kung anong magiging reaksyon ko, kung ngingiti rin ba ako o kakaway din pero sa huli ay napangiti na lang din ako. Naiilang na naupo ako sa tabi ni Tiarra pagkatapos ay inilapag ang bag ko sa upuan.
"Can we talk later?" Elton said pagkatapos kong naupo.
"Sama kami?" agad na tanong ni Ricardo, epal talaga.
"Hindi ka kasama, just the two of us."
Natawa ako dahil sa sinabing iyon ni Elton.
"Okay, sabi mo e."
Alam kong nagtatampo si Ricardo kay Elton. Sa totoo lang, I smell something's fishy talaga kay Rica pero ayaw ko lang aminin ang nakikita ko dahil ayaw ko rin na may kalaban ako. I don't want that to happen.
Breaktime, nagsabay na lumabas si Rica at Tiarra kahit na parang may tensyon sa pagitan nilang dalawa. Parang magsasakmalan sila anytime e!
Nang matapos akong magligpit ng gamit ko ay saka na kami nagsabay na lumabas ni Elton.
"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
Ramdam ko na ang mapangmatang mga mata ng mga estudyante sa paligid, nagsabay pa lang kaming maglakad ni Elton. Ngayon lang kasi may nakasabay si Elton na babae sa corridor na ako lang talaga ang kasama.
"Sa rooftop na lang, I want to talk about us," aniya.
Napatango na lang ako at saka naisip iyong kontrata na isinulat ko. Mabuti na lang at dala ko ang bag ko.
Nang nasa rooftop na kami, kaagad na naupo siya doon sa sahig at inilapag ang bag niya. Inilabas niya ang dala niyang dalawang tupperware. Unti-unti akong napangiti dahil kulay pink pa iyong isa. Ngunit nawala iyong ngiting iyon nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.
"I told my mama that I already had a girlfriend, tuwang-tuwa si mama kaya ipinagluto ka niya. She wants to meet you soon."