CHAPTER 7: JEALOUS.

2044 Words
Chapter 7: Jealous "Teka nga! Anong sabi mo? Bakit mo naman sinabi kaagad sa mama mo na may girlfriend ka na?!" gulantang na tanong ko. Hindi ako makapaniwala na fake girlfriend niya lang naman ako pero sinabi niyang girlfriend niya ako sa mama! Hindi niya ba alam na malaki ang consequences ng bawat kilos niya? "Aksidente lang naman ang nangyari," paliwanag niya. "Paano naging aksidente na sinabi mong girlfriend ka na?" "E kasi, nakarating kay mama na may balita dito sa school na bakla ako kaya hindi ko napigilang sabihin na may girlfriend ako. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kaniya na fake lang ang lahat," dagdag niya pa. Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya, kaagad na sumalampak ako sa sahig. Kung hindi ko lang talaga siya crush, malamang na sinakal ko na ang baklang 'to, e! Kaagad kong inilapag ang bag ko at saka inilabas mula roon ang kontrata, inabot ko iyon sa kaniya para makita niya at saka mapirmahan. Dapat mas bonggahan ko pa talaga ang hihilingin ko sa kaniya kasi masyado na itong nagiging malaki. For sure na kapag nalaman ng mga kaibigan namin ito, gigisahin talaga kami ng mga 'yon! "Bakit wala ka pang inilalagay rito sa pangatlo? Ang daya naman," aniya. Napairap ako at saka pinirmahan ang sa akin. "Hindi iyan madaya, malaki ang favor na hiniling mo sa akin. Kapag nakarating ito kila mama at papa, malamang na mas lalaki ito. Isa pa, ikaw ang mas mag-be-benefit dito." Lalo na at masasaktan ako kung hindi ka magkakagusto sa akin. Gusto ko sanang idagdag pero nakakahiya naman kung sabihin ko 'yon! Ngumuso siya at saka tumango bago pinirmahan ang kontrata. Nang matapos kaming magpirmahan, kaagad na kaming kumain kasi baka mamaya maubusan na kami ng oras. Limited time lang ang breaktime! "Kailan mo na-realize na bakla ka?" tanong ko kay Elton sa kalagitnaan ng pag-kain namin. Adobong manok ang ulam namin at masasabi kong ang sarap magluto ng mama niya. Well, wala pa ring makatatalo sa luto ni mama pero masarap din ang luto ng mama niya. Ilang beses na rin naman akong nakapunta sa bahay nila lalo na kapag may party na ginaganap at ilang beses ko na ring nakita ang mama niya. Naisip kong magiging swerte ako kapag sila ang magiging in-laws ko dahil pareho silang cool! Wala pa man din ay in-laws na ang nasa isip ko sa kanila. "Noong bata pa ako, madalas na ang kalaro ko ay si Christell. Doon ko na-realize na bakla ako. Pero hindi ko masabi sa mga magulang ko lalo na at 'yong mga kuya ko ay mga lalaking-lalaki." "So, habang buhay mo na lang itatago ang pagkatao mo sa pamilya mo?" tanong ko ulit. Willing akong maging asawa niya kung itatago niya forever ang pagkabakla niya. "H-hindi ko alam, I am still in doubt." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, "at bakit ka naman nagda-doubt?" Umiling na lamang siya at saka muling sumubo ng kanin. Nagkibit-balikat na lamang ako. Mukhang bakla nga yata talaga siya. Keribels ko naman ang magkaroon ng gay na partner, iyon ay kung si Elton. Kasi kung ibang gay, hindi ko yata kakayanin! Like eew! Straight kasi akong babae at syempre, sino bang straight ang papatol sa gay? Ako lang at kay Elton lang! "Ikaw? Kailan ka nagkagusto sa akin?" Halos mabulunan ako dahil sa naging tanong niyang iyon, nataranta naman siya at kaagad na nagbukas ng bottled water para painumin ako. Nang malunok ko ang kanin, tinitigan ko siya nang masama. "Maging sensitive ka naman sa mga itatanong mo. Masaklap na nga para sa akin ang katotohanang bakla ang crush ko, mas masaklap na tanungin mo iyan sa akin when in fact you can't give the same feelings for me." Umawang ang labi niya, "I'm sorry." Umiling na lamang ako at saka itinuloy ang pag-inom ng tubig sa bote. Nang matapos ay saka ko siya nginitian. "Basta kailangan mo lang mag-ingat sa mga galaw mo, huwag mo akong paaasahin para hindi ako masaktan." But then I will still try my best to seduce him, siguro naman sa loob ng isang taon ay madedevelop din ang feelings niya for me. Bukod sa matagal din naman kaming naging magkaibigan, siguro naman kung magiging kaakit-akit ako sa paningin niya, baka maging successful din ako sa huli. Nang matapos kaming kumain, kaagad na bumalik na kami sa classroom. Karamihan ng mga kaklase namin ay naroon na including Rica and Tiarra. Nang maupo ako sa upuan ko ay kaagad na siniko ako ni Tiarra, alam kong gusto niya lang na makibalita pero mag-uumpisa na ulit ang klase kaya hindi ko na maikukwento sa kaniya. "Later usap tayo sa inyo," ani ko. Naririnig ko ang usapan ni Rica at Elton sa likod. "Anong pinag-usapan nyo? Okay naman ba?" "Oo naman." Buti na at panay lang ang oo at hindi ni Elton sa mga sumunod pang tanong ni Rica, ramdam kong ayaw niyang marinig ko ang mga pinag-uusapan nila. Aba s'yempre naman! Ayos lang sa akin na pag-usapan nila ako, pero huwag sa likod ko. - "Hello ma? Pupunta po muna ako sa bahay nila Tiarra, magtetext na lang po ako kay Mang Goyo kapag magpapasundo na ako." As soon as makasakay kami sa kotse ng kuya ni Tiarra, kaagad na tinawagan ko si mama. Ang kuya niya kasi ang madalas na naghahatid at kasabay niyang umuwi dahil professor lang naman sa university namin ang Kuya niya. Kaya nga maingat din si Tiarra sa mga kilos niya lalo na at lagi lang nakamasid ang Kuya niya sa mga kilos niya. "Opo ma, hindi po ako magpapagabi, love you!" Pinatay ko ang tawag at saka nilingon si Tiarra na ngayon ay abala sa pagpapakain kay Talking Tom sa cellphone niya. Nakisilip naman ako dahil na-curious ako sa nilalaro niya. "You still play Talking Tom?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong pinaliguan niya naman si Tom dahil ang dumi na ng katawan nito. "He's so cute, ano ka ba? At saka, satisfied kasi ako na naalalagaan ko itong si Tom the cat. Alam mo namang gusto ko ng pusa kaso bawal sa akin dahil allergic ako sa cat fur," nakangusong aniya. Imbes na pagtawanan siya dahil pambata ang nilalaro niya, naawa ako sa kaniya. Isang beses na nakakita kami ng kuting sa kalye, kawawa iyong kuting at halatang gutom na gutom. Nilapitan niya lang naman saglit para pakainin dahil naawa siya pero hindi katagalan ay bumahing na kaagad siya. "Aww, sige baks, keep on taking care of Tom. You are doing a great job," ani ko. Nilingon niya ako at saka ngumiti bago niya ipinagpatuloy ang paglalaro sa kaniyang phone. Kung hindi pa nga kami nakarating sa bahay nila, hindi pa siya titigil sa kalalaro. Nang makapasok kami sa bahay nila, kaagad na umakyat ang Kuya niya sa second floor ng bahay nila habang si Tiarra naman ay dumiretso sa kusina. As usual, madalas kasi kapag pupunta kami rito sa bahay nila, kusina kaagad ang pinupuntahan namin. Palaging may meryenda nakahanda sa ref nila na palaging iniiwan ng mommy niya bago umalis para magtrabaho. Her mom was so thoughtful, kahit na single mom ay nakaya niyang magtrabaho at the same time ay maging sweet na mommy kila Tiarra. "Wow! Strawberry shortcake!" bulalas ni Tiarra nang buksan niya ang ref. Kinuha niya kaagad ang isang buong karton ng cake at inilapag iyon sa lamesa. Naglaway rin tuloy ako! "Ang sweet talaga ng mama mo!" ani ko. "Yeah, pero halos once a month lang nag-iiwan ng sweets na ganito si mommy kasi masyadong healthy diet iyon, alam mo na. Gusto niyang maging sexy ako kahit na may over-protective kuya naman ako." Bahagya akong natawa, matagal na niyang inuungot iyan, hindi kasi siya makapag-boyfriend lalo na at hindi pa man nakakapanligaw ang mga manliligaw niya, nakaharang na ang kuya niya. Hindi raw papayag ang kuya niya na magkaboyfriend siya habang nag-aaral. "So anyway, what happened? Anong pinag-usapan ninyo kanina ni Elton?" bungad na tanong niya habang naghihiwa ng cake. Ako na ang kumuha ng dalawang platito at tinidor saka ko iyon inilapag sa lamesa. "Sinabi niya sa mama niya na may girlfriend na siya," sagot ko. Napatigil siya sa paghihiwa ng cake at nag-angat ng tingin sa akin. "What?!" halos pasigaw na tanong niya. Hindi na ako nagtaka sa reaksyon niya. "Iyan din ang reaksyon ko kanina, promise!" sagot ko. Binitiwan ni Tiarra ang bread knife na hawak niya at saka itinuon nang husto ang tingin sa akin. "Hindi pa nga kayo nag-fi-first daysary, tapos alam na kaagad ng mama niya? Oh gosh!" "Iyon na nga e. Sure ako na hindi magtatagal, malalaman na ng barkada ang tungkol sa amin. Aaminin ba natin na fake lang ito?" "Gaga huwag! Alam mo namang tayong apat lang nila Ricardo ang totoong may alam ng pagkatao ni Elton. Gusto niya ngang isikreto, e. Hindi mo ba naisip na ganito ang mangyayari once na tinanggap mo ang alok niya?" Napabuntong-hininga ako, ang totoo hindi ko naisip na ganito ang mangyayari. Ang naisip ko lang kasi ay magiging fake girlfriend ako ni Elton, iyon lang! Ni hindi ko naisip ang iba pang consequences! Nagkibit-balikat si Tiarra at saka isinalin ang cake sa platito. Mukhang kaagad rin naman siyang nakamove on, mas mabilis sa inaasahan ko. "Hindi naman yata old fashioned ang parents mo kaya okay lang iyan. Hindi kayo ipakakasal kaagad kahit na wala pang feelings si Elton para sa'yo," aniya. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya, "Ayan na naman e! Huwag nyo na nga ipaalala sa akin na ako lang ang may feelings. It hurts you know." Um-acting pa ako na kunwaring nasasaktan. Ang totoo, totoong nasasaktan talaga ako sa fact na one sided love lang namamagitan sa pagitan namin ni Elton. Dapat pala, kung alam kong magiging ganito ang kahihinatnan, una pa lang ang pinigilan ko na ang feelings ko. "Ilang beses na kitang binalaan r'yan sa pag-ibig chururut mo para kay Elton ha? Kapag nasaktan ka, huwag kang iiyak iyak sa akin." I rolled my eyes. "As if namang matitiis mo ako kapag umiyak na ako." Tumaas ang kilay niya at saka ikinrus ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. "Titiisin talaga kita baks." Alam kong masayadong risky itong pinasok ko para sa puso ko, pero sabi nga nila, kapag hindi ka sumubok, hindi mo malalaman. Yes, there's a big possibility na talagang masaktan ako dito. Pero what if there's a very small chance na magbunga ang lahat? Kahit na small lang iyon, chance pa rin iyon. Nagmeryenda kami at umakyat sa kwarto niya nang matapos. Balak naming sabay nang gumawa ng ilan sa mga homework namin para mamaya hindi ko na gagawin sa bahay. Nang nasa loob na kami ng puro kulay pink na kwarto niya, kaagad siyang dumiretso sa cabinet niya para kumuha ng pamalit ng damit. Walang ano-anong nagbihis siya sa harap ko na kinasanayan ko naman na dahil lagi siyang ganyan. Sa akin lang naman walanghiya iyang si Tiarra! Habang abala siya sa pagbibihis, nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng suot kong palda kaya kinuha ko iyon agad at binuksan kung sino ang nagmessage. Bahagya akong natigilan nang makita kung sino iyon. From Renzo: Kayo na pala ni Elton? Kailan pa? Nag-angat ako ng tingin kay Tiarra. "Oi! Paano nalaman ni Renzo ang tungkol sa amin ni Elton?!" gulantang na tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya, "Ewan ko? Alin ang alam niya? Na in a fake relationship kayo ni Elton?" Umiling ako, "Hindi, ang alam niya kami talaga ni Elton!" "Hayaan mo na nga iyan, malalaman naman din nila iyan kahit hindi natin sabihin dahil iyon nga ang purpose. Para makalimutan ang issue na bakla siya." Ngumuso ako at muling ibinaba ang tingin sa phone ko. Bahagya akong napakamot sa ulo ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot kay Renzo. Hindi pa man din ako nakakapagtipa ng ire-reply ay muli siyang nagtext. From Renzo: This is so unfair. Nag-angat akong muli ng tingin kay Tiarra at ipinakita ko sa kaniya ang text ni Renzo. Bahagya siyang napatawa, "Gosh, he's jealous," she breathed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD