Chapter 15: Third Kiss. Halos ayaw kong bumangon sa higaan kinabukasan dahil sa sobrang sama ng loob. Sino ba naman kasi ang hindi sasama ang loob pagkatapos umasa na may pag-asa na tapos sa huli ay biglang mababawi lang din! Kung hindi lang masisira ang perfect attendance ko, a-absent talaga ako ngayong araw dahil ayaw kong makita si Elton. Ilang beses akong tinawagan ni Tiarra at Elton kagabi pero pareho ko iyong hindi sinagot. Hinayaan ko silang tumawag nang tumawag habang umiiyak ako. Oo at magang-maga na talaga ang mata ko dahil sa kaiiyak kaya kahit hindi ako gumagamit ng make up, ginamit ko iyong concealer na bigay pa sa akin ni mama noong 18th birthday ko. Hindi pa naman siguro sira ito kahit isang taon nang nakaimbak! Nang makababa ako mula sa second floor ay kaagad na bumunga

