CHAPTER 16: PANAGINIP LANG?

1094 Words

Chapter 16: Panaginip Lang? Hindi ko na talaga naitago ang sama ng loob ko. Akala ko pa naman kakayanin kong hindi ipahalata sa iba pero hindi e. Sino ba naman kasing tanga ang hindi kakain ng almusal at tanghalian, halos hindi pa halos uminom ng tubig. Nilagnat tuloy ako! Nasira ang perfect attendance ko. Bukod pa roon, sigurado akong alam na ni Tiarra at Elton ang dahilan kung bakit dahil bago mag-uwian ay nagreklamo akong masakit ang tiyan ko. "Siguro masyado kang napressure sa amin anak, huwag kang mag-alala at hindi ka na namin ipe-pressure. Just enjoy your life, okay? Kung ano man ang sasabihin ng papa mo, ako na ang bahala at pagagalitan ko siya," ani mama. Sinubuan niya ako ng lugaw na kaluluto niya lang din kanina pero s'yempre hinipan niya muna kasi baka mapaso ako kung hindi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD