Chapter 31: Champorado. Nagpasya kami ni mama na kami na lang dalawa ang magsisimba dahil si papa at ate ay magkaaway pa rin. Ayaw naman ni mama isama si papa sa pagsisimba kung masama pa rin ang loob. Nakapagsabi na rin ako kay mama na kasama si Elton at pumayag naman siya. Nararamdaman kong ayos na si mama kay Elton kaya wala na siyang masabi. "Magkaaway pa rin ang papa at ate mo, hindi ko alam kung paano ko sila pagbabatiin," malungkot na ani mama habang nasa byahe kami. Kotse ni Elton ang sinakyan namin ngayon at nasa passenger seat kami ni mama. Mabuti nga at hindi na-a-out of place si Elton habang nag-uusap kami ni mama. "Hindi nga kumibo kanina noong sinabi ko na susunduin tayo ni Elton," dagdag pa ni mama. "Hayaan mo na ma, baka magbati lang din sila mamaya o kaya bukas," sag

