Haden's POV "Senyorito, maiiwan na po namin kayo." paalam ni Manang Isa. Nagbaba siya ng tingin sa batang makulit na nasa aking harapan. "Halika na, baby Hope kakain si Tito Haden mo." Hinawakan nito ang kamay ng bata. Umiling-iling naman ito. "Puwede ba ako magpaiwan, Manang? Gusto ko pa kausap tito Haden eh!" Napanguso ito. Ginamit ang paawa epek nito. "Hindi puwede baby Hope. Kakain ang tito mo, maiilang siya kapag panunuorin mo siya." sagot ni Manang. "Iwan mo na siya rito." tumikhim ako. Marami akong itatanong sa batang ito. Baka sakaling makakuha ako ng kasagutan sa madaldal na batang ito. "Narinig mo po, Manang Isa? Iwan niyo na raw po ako rito." kaagad naman sumigla ang kanina lang na matamlay nitong mga mata. Alam ko naman, nandito lang ito para guluhin ako o 'di kaya k