Loren's POV "S-SORRY!" kaagad na hingi ko ng pasensya. Napatingala ako at doon ko nasilayan ang kaniyang mukha. Napatitig siya sa aking mga mata. Kaya natitigan ko rin ito. Matangos ang ilong niya at manipis ang kaniyang labi. In short, gwapo siya. "Ngayon lang kita nakita rito. Bago ka ba rito?" nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay. Ngayon ko naalalang nakatukod pa rin ang mga kamay ko sa dibdib niya. Unti-unti akong lumayo sa kaniya. "Oo, bago lang ako rito at sa first day ko, late pa yata ako. Kaya maiwan na muna kita." nakangiwing sabi ko sa kaniya. Nagmamadaling nagpaalam sa kaniya. Inihakbang ko kaagad ang mga paa ko palayo sa kaniya. "Wait!" narinig ko pa na sigaw nito. "Anong pangalan mo?" Hindi ko na nilingon pa ito. Talagang late na ako. Uunahin ko pa ba magpak