Third Person's POV "Wiwi ako." nakangiwi na sabi ng batang nasa harapan ni Haden. "What is wiwi?" "Yung push..." nag-action pa ito sa kaniyang harapan. "Puwede bang ayusin mo. Hindi ko maintindihan ang wiwi na sinasabi mo. Nasaan ba ang Mommy mo? Bakit hinahayaan ka niyang pagala-gala rito?" "Nasa Baguio ang Mommy ko." nakangusong sagot ng bata sa kaniya. Hindi maiwasang kumunot ang noo ni Haden. "Sinong kasama mo kung wala ang Mommy mo? Hindi ka dapat niya hinahayaan." "I'm with Mamita." "Mamita? Sino naman 'yon?" "Baby Hope!" Maya maya ay pumasok ang Mommy ni Haden. Tinatawag nito ang batang bigla na lang pumasok sa kaniyang silid. Nang makitang nakatayo sa kaniyang harapan ang bata ay tuluyang pumasok ang donya para lapitan ito. "Sino siya mamita?" turo ng bata kay Haden. Nap