Loren's POV "Kung hindi ka pa makakapagdesisyon sa ngayon. Babalik na lang ulit ako sa susunod na araw, Loren. Pero sana si Hope hayaan mo muna na makasama ko siya ng matagal sa mansion. Kung nakita mo lang kung gaano siya kadaldal sa Daddy niya." "Nagkita si Hope at---" "Yes, nasa mansion si Haden. Hindi ko na muna siya hinayaan na tumira sa bahay niya hangga't wala pa siyang alaala at lalo na hindi pa siya nakakalakad." putol ni Mama sa aking pagsasalita. Bakit nakaramdam ako ng awa? Hindi ba't nasaktan ka niya ng sobra, Loren? Hindi ka dapat maawa sa lalaking walang ginawa kundi ang paghinalaan ka at saktan ang damdamin mo. Nagtatalo ang isip ko habang nasa harapan ko pa rin ngayon si Mama. Hanggang ngayon pala, kahit ilang taon na ang lumipas ay may naiwan pa rin ako na pagmamah