Loren's POV "Anong sabi mo?" pinaulit pa niya sakin. Kunot na kunot naman ang noo nito. Hindi ko intensyon na saktan siya. Wala akong balak na saktan siya sa pamamagitan ng masasakit na salita. Gagawin ko lang ang gusto ni Mama Athena, ang alagaan siya. Kaya kung hindi siya susunod sa gusto ko talagang masasaktan siya sa pamamagitan ng mga salita ko. "Gusto mo ba ulit marinig ang sinabi ko? Alam kong narinig mo 'yon." sagot ko. Naglakad ako palapit sa kaniya para alalayan siyang makaupo sa kaniyang wheel chair. Nasa kama pa kasi ito nakaupo. "Magdamit ka muna." sabi ko sa kaniya. "Kukuha ako ng tshirt mo." Naglakad ako sa kung saan ang closet nito. Wala na rin naman akong narinig na salita mula sa kaniya. Mas pinili ko ang white tshirt. Bumalik kaagad ako sa kinaroroonan niya. S