Loren's POV "Nasaan ang Daddy niyo?" tanong ko kinaumagahan sa kambal ng madatnan ko ang mga ito sa sala nanunuod ng TV. Maaga silang nagising. Himala naman. Talagang magkasundo na ang dalawa. Nang malaman ni Hope ma magkapatid talaga sila at pareho silang nanggaling sa akin ay nagbago kaagad ang turing ni Hope kay Jessy. Sabay pa silang napatingala sakin. Kumakain na sila ng kanilang breakfast, koko krunch. "Si Daddy, nasa kitchen po, Mommy nagluluto." "Nagluluto? Anong niluluto ng Daddy niyo?" kuryusong tanong ko. Ang aga naman yata nagluto ng lalaking 'yon. Hindi ko alam kung saan siya natulog kagabi. Ilang gabi na siyang hindi nakakatabi sakin. Bukod sa mabilis akong mainis sa kaniya ay may oras na ayaw ko rin sa amoy niya. Hindi lang 'yon ang ayaw ko sa kaniya, kundi maging ang k