Loren's POV Nang magmulat ako ng aking mga mata ay tamang-tama naman ang nasilayan ko si Haden habang nilalaro ang baby na kasisilang ko pa lang. Wala naman response mula sa baby ngunit tuwang-tuwa si Haden na nilalaro ito. Hinahawakan lang ang kamay nito. Kahit pa nga tulog. Mukhang ngayon lang nakakita ng baby ang loko. Lalaki ang kasunod ng kambal. Hindi pa alam ni Hope na lalaki ito. Ang alam niya ay baby sister. Hindi ko rin kasi masabi kay Hope noon dahil nag-expect yung bata na baby sister ang magiging kapatid niya. "Haden..." nanghihina pa na tawag ko. Napalingon siya sakin. Kaagad siyang umalis sa tabi ng crib kung saan naroon si baby tsaka lumapit sakin. "How are you feeling?" nag-aalala na tanong niya sakin. "Dalawang oras kang tulog. Kanina ko pa hinihintay na magising