Loren's POV "Dito na muna kayo tumira." basag ko sa katahimikan habang kumakain kami sa umaga at tanging ingay ng plato at kutsara lang ang aming naririnig. Napatingin silang lahat sakin. Maging ang mukha ni Haden ay halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Wife?" puno ng pagtataka na tingin ni Haden sakin. "Pumapayag akong dito titira si Jessy kasama ang Mommy niya." "Sigurado ka?" dagdag pa ni Haden. Napatango ako. Alam ko naman na desisyon ko lang ang hinihintay ni Haden. "Samahan mo muna sila na kunin ang kanilang mga gamit." dagdag ko pa. Mas lalong napatitig sakin si Haden. Ginagawa ko 'to para kay Jessy. Alam kong may tinatago ang bata na hindi niya masabi. "Naku! Maraming salamat raw ho sabi ni Jane, Mrs. Dickson." abot tenga ang ngiti ni Ding. "You're welcome." Binal