Carde's POV "WE are here." Iminulat ko ang aking mga mata. Kakapikit lang ng mga mata ko at nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Gob. Kinusot -kusot ko ang mga mata ko. Pumasok ang sasakyan ni Gob sa malaking gate. Tumambad naman sa akin ang mala-palasyo rin na bahay. "B-bahay mo na ba ito, Gob?" hindi ko na napigilan pa at naitanong ko na. "My parents house." sagot niya. Natigilan naman ako at napatingin sa kaniya. "I-ibig mo ba sabihin, Gob? Nandito ang mga magulang mo?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya. "They are not here, they are in States." Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko makakaharap ko ang mga magulang ni Gob. Ano na lang sasabihin nila? Baka bigla na lang nila akong paalisin kapag nalamang nabuntis ako ng kanilang anak. "Why? Natatakot ka ba na makaharap