Third Person's POV Nang mailapag ni Dee ang babae ay kaagad niyang hinawi ang buhok nito na nakatakip sa mukha. Napaatras na lang siya bigla ng makilala kung sino ang babaeng nasa harapan niya at tinulungan niya. Pilit niyang inaalala kung saan nga ba niya nakita ang babaeng nasa kaniyang harapan. "Sa mansion? Tama, sa mansion ng mga Dickson." pilit niya rin inaalala ang pangalan nito. Sa kapipilit niyang maalala ay sumagi tuloy sa alaala niya ang mainit na eksena nilang dalawa ng babaeng nasa harapan niya. Muli niyang binalingan ang babaeng walang malay. Bumaba ang kaniyang paningin sa mga hita nito. Nakakita siya ng dugo. Bigla siyang nataranta kaya tumawag na kaagad siya ng Doctor. Pagdating ng doctor ay kaagad na sinuri ang kalagayan ng dalaga. Hindi mapakali si Mikael h