Carde's POV WALANG nangyari sa lakad ko. Mabuti na lang pinayagan ulit akong mag-day off. Dalawa ang day off ko. Ito kasi si Charry, inako niya na yung gawain ko para lang daw masabi kong buntis ako sa ama ng dinadala ko. Pagbalik ko ng office ay laking malas naman dahil wala si Gob. "Wala siya rito, Miss. Umalis si Gob. Pumunta ng Palawan." Bumagsak ang balikat ko sa aking narinig. Talaga bang busy ang Gobernador na iyon o talagang sinasadya niyang maging busy-busyhan para hindi niya ako maharap. Siguro alam niyang buntis ako. Siguro iniiwasan niya ako dahil ayaw niya akuin itong pinagbubuntis ko? Akala ko pa naman mabait ka, Gob. Hindi pala, nagkamali ako ng pagkakakilala sa 'yo. "Bumalik ka na lang siguro, Miss next week." "Hindi bale na lang. Pakisabi na lang sa Gobernador niyo