Third Person's POV ILANG Beses nang mag-ring ang phone ng Gobernador ngunit ngayon lang niya ito nasagot ng pang lima nitong pag-ring ay nagising siya. Kaagad hinagilap ng kamay niya ang kaniyang cellphone. "Yes?" sagot niya habang pumipikit pa ang mga mata. "Gob, itatanong ko lang po kung nasaan na kayo? Kayo na lang ho kasi ang kulang rito. Nandito na sila mayor sa place ng event." Oh, s**t! Napamura siya ng wala sa oras ng maalalang may event nga pala siyang pupuntahan ngayon. Natampal niya ang kaniyang noo tsaka niya lang naramdaman ang pagsakit ng ulo. "s**t! Where am I?" tanong niya sa sarili tsaka sinulyapan ang paligid niya. Nalaman niyang nasa loob siya ng kaniyang sasakyan habang hubo't hubad "W-what?" bigla siyang napabalikwas ng bangon. "A-anong? Anong nangyari?