BLURB; Namamasukan bilang maid sa mga Dickson si Carde nang makilala niya ang gwapong Gobernador. Mahilig siya sa gwapo pero, NBSB naman ito. No boyfriend since birth. Isang gabi ay may nangyari sa kanila ng Gobernador. Pilit niyang kinalimutan ang nangyari ngunit paano pa niya makakalimutan kung may nabuo ng blessing dahil sa isang gabi na puno ng kapusukan at pagkalimot sa isa't-isa. ---- Carde's POV "Ang bigat mo naman po, Gov." reklamo ko habang inalalayan si Gobernador Dee palapit sa kaniyang sasakyan na nakaparada sa labas ng gate. Medyo nay kalayuan din naman sa gate kaya ang tagal din namin makarating. Hindi ito nagsalita. Alam kong nakikinig lang siya sakin. Naririnig niya mga sinasabi ko. Nang makalapit kami sa kaniyang kotse ay nagawa niya pa naman buksan ito. Kaya pa n