Loren's POV Mag-isa akong kumain dahil lahat sila ay ayaw akong sabayan. Iwan ko ba sa kanila? Tinatanong ko kung anong kasalanan ko sa kanila, bakit 'di nila ako kinakausap? Wala naman sumasagot. Lahat sila nakatungo lang kapag kinakausap ko. Nadagdagan pa pala ang lungkot ko. Sana pala hindi na lang ako pumasok. Kanina ko pa tinitingnan ang cellphone ko, umaasang tatawag si Haden ngunit wala. Walang paramdam ang asawa ko. Humanda ka lang sakin, Haden. Nakalimutan mo na nga ang birthday ko. Hindi ka pa nagpapakita sakin. Kainis ka. Habang tinitingnan ko ang kaniyang picture sa screen ng aking phone. Siya kasi yung wall paper ko. Ang gwapo kasi ng asawa ko, hindi ako nagsasawang tingnan at titigan ang kaniyang mukha. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ulit ako sa duty. Pagdating