CHAPTER 39 AFTER spending two days at the rest house, finally Yza and Adam are now back in Makati. Umagang-umaga ay may kadaldalan ang asawa niya sa cellphone. Kakamot kamot ito sa ulo dahil kagigising pa lang pero mukhang may kumukulit na dahil sa naiwang trabaho noong Sabado at Linggo. Siya ay nakapagluto na at nakabihis na rin siya para sa unang araw ng OJT niya. Napangiti siya nang makita na nakaupo ito sa gilid ng kama at salubong na naman ang mga kilay. After they talked about his parents and that Mr. Hidalgo, wala na rin itong binaggit na kung ano pa man. Parang inalis na rin nitong pilit iyon sa isip kapag kausap siya. Kapag naman wala siya ay natutulala. Magaling umarte ang kapre na ayaw pakita sa kanya ang weakness pero ano pa bang magagawa ay nakita na nga niyang umiyak? She