I slept for only two hours. Mabigat ang ulo ko nang bumangon ako. Ayaw ko mang umalis muna sa hospital kanina ay wala naman akong choice. May mga kumpanya akong kailangang patakbuhin.Nagsisisi ba ako na tinulungan ko yung babae?
Of course not!
Pero hindi pwedeng hindi ako pumasok ngayon. I have an appointment with an advertising company. I want to see personally their proposal for the layout of my second-hand cars' company's print ads. Siguro after the meeting I will take my needed rest.
Needed rest talaga? Bakit di mo na lang aminin sa sarili mo na gusto mong dalawin sa hospital 'yung babae?
Nasapo ko ang ulo ko. Ewan ko ba! Hindi ko alam kung bakit pagkagising ko iyong mukha ng babaeng 'yun agad ang nasa isip ko.
Syempre, natural na mag-alala ka. Ikaw kaya ang huling kasama niya. Kumbaga kahit papaano kargo mo iyong tao. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table. Isang tao lang ang makakapagpakalma sa akin. Pero naka-ilang ring na ang phone nito, hindi pa rin sinasagot ni Hernandez ang tawag ko. Napabuntong hininga na lang ako.
Napapailing na tumayo na ako para mag-shower na. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko with the advertising company, pupunta na ako agad sa hospital.
I AM restless right now. Nakatingin man ako sa video presentation nung advertising company pero lumilipad naman ang isip ko. Kung hindi nga lang ako masasabihang unprofessional, baka kanina ko pa kinansel itong meeting na to. Pwede din namang layasan ko na ito ngayon. But then, I can not cancel this neither. Kailangan na din kasi ang final lay-out for next week's campaign ng kumpanya.
I noticed that my secretary/niece Ivee, eldest child of Kuya Ronnie, is staring at me across the room. As if she was trying to read me. I just ignored her stares and focused on the meeting. As soon as we have agreed and finalized the concept, I hurriedly stood up and headed to the elevator. I heard Ivee calling me.
"Tito Cloud!"
Napatigil ako sa paglalakad at humarap kay Ivee.
"What?" medyo naiirita kong sagot pero ayaw kong ipahalata kay Ivee.
"Where are you going?" tanong niya na para bang girlfriend ko siya na nagtatanong.
Ano bang sasabihin ko? Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo o hindi. For Pete's sake! Si Ivee lang 'to. Pamangkin ko. Ano bang nangyayari sa kin? Para akong teenager na makikipagkita sa secret girlfriend niya.
"I have to meet someone. Baka hindi na ako makabalik. Ikaw nang bahala muna dito. Please cancel all my appointments. Re-sched it next week," utos ko sa kanya.
Nakita kong nagulat ito sa sinabi ko. Alam kong it's very unusual of me to cancel meetings or appointments lalo na if potential big-time client ito. But as of now, all I want to do is to see that woman.
"Tito, may problema ba sa ibang companies?" tanong nito.
"Wala! Kailangan ko lang talagang i-meet itong taong to. I have to go," pagpapaalam ko.
"Tito Cloud."
"Ivee, nagmamadali ako. Ano bang sasabihin mo? Make it faster."
"Tito, pamangkin mo lang ako. Pero if you need help. Or advice. You can count on me. Always," nakangiting sabi nito.
"May bibilhin ka na naman bang bagong labas na phone kaya mo ako binobola? My answer is no. Wag masyadong magastos, Ivee. Bye!"
Hindi ko na binigyan si Ivee ng pagkakataon na makasagot pa sa kin. Nang marinig kong tumunog ang elevator ay agad akong pumasok sa loob and pushed the close button. Pakiramdam ko ay ang bagal makababa ng elevator sa car park. I hurriedly went to the carpark. Dati naman akong sumasakay sa elevator na to. Pero this time, naging kainip-inip ang pagbukas ng pintuan nito.
Pagkalabas ko ng elevator ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang lugar kung saan naka-park ang kotse ko. Once seated inside my car, I hurriedly stepped on the gas.Tamang-tama namang nakalabas na ako ng highway at nakahinto sa stoplight ng isang intersection nang tumawag si Hernandez.
Oh great! Nabuhayan ako ng loob. Makakakuha din ako ng info kay Hernandez tungkol dun sa babae.
"Hernandez. Sorry. Pasensiya na. I just want to ask for update sa kanya. Dun sa babae?" tanong ko dito, habang ikino-connect ko sa blutooth yung phone ko.
["Tulog pa rin siya."] maikling sagot nito.
"You mean mula kaninang madaling araw hindi pa din siya nagigising? Bakit daw? Anong sabi ng doktor?" sunod-sunod kong tanong.
["Why are you sounding like a concerned boyfriend?"] nang-aasar na tanong ni Hernandez.
"Concerned citizen. Not concerned boyfriend," sagot ko dito.
["Okay... sabi mo eh!"] sagot ni Hernandez na may kasama pang pagtawa.
"Okay. Meet me at the hospital na lang. Papunta na ko ngayon dun. Dun na tayo mag usap. I'll hang up. Bye," nagmamadaling pinatay ko na ang tawag.
Tamang-tama naman na nag-go signal na rin iyung stoplight. Naisipan kong dumaan muna sa isang grocery store. Bumili ako ng prutas, biscuits, mineral water, iba't ibang klase ng tinapay, tissue paper, cup noodles, instant coffee, disposable cups, plastic spoon and fork.
May kulang pa ba?
Bigla kong naisip na baka wala itong toiletries. So, hinanap ko yung toothpaste, toothbrush, sabon. Pati napkin at disposable panties ay bumili na din ako. Isang tshirt saka knee-length na shorts.
Tama na siguro to. Tutal sabi ni Hernandez tulog pa rin siya.
As soon as I arrived at the hospital, I hurriedly went up to the room Hernandez texted to me. May nadatnan akong dalawang lalaki sa labas ng pinto.Agad na nakaramdam ako ng pag-iinit ng ulo.
Sino ang mga ito?
Nasa tapat na ko ng pinto nang harangin ako ng nung dalawa.
"Sir, bawal po ang bisita dito," sabay hawak ng isa sa balikat ko.
Anong...
Nagsukatan kami ng tingin nung nakahawak sa balikat ko, at saka salitan ko silang tinitigan.
"Valdez, Serrano! Si Mr. Montecillo 'yan."
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Agad namang humingi ng paumanhin iyong dalawa sa akin.
"Hernandez. Sino itong mga 'to?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Mga kasamahan ko sila. Kailangang may bantay ang biktima hanggat hindi pa natin alam kung ano ang totoong nangyari. Pwede siyang balikan ng suspect, lalo na at posibleng nakilala niya ito," paliwanag ni Hernandez.
Pinagbuksan na ako ng pintuan nung isang pulis. Agad akong pumasok sa loob. Kasunod ko naman si Hernandez. Ibinaba ko muna ang mga pinamili ko sa mesang naroroon habang inililibot ng tingin yung kuwarto. Nasunod naman ni Hernandez iyung sinabi kong gusto kong kuwarto. Pagkalapag ko ng mga supot sa ibabaw ng mesa ay nagmadali na kong lumapit sa hospital bed.
Pasimple kong pinagmasdan ang babaeng nakahiga doon. Para naman akong nabato-balani sa maamo niyang mukha. Napansin ko ang mangilan-ngilang mumunting gasgas sa mukha nito, at ilang sugat sa braso. Ganunpaman, hindi iyon nakabawas sa angking ganda nito.
"Uhurm! Tama na. Baka matunaw."
Napalingon ako kay Hernandez. Tinanong ko ito para maiba ang topic.
"Bakit daw hindi pa siya nagigising?"
"Natural lang daw 'yun. Nagpapahinga lang daw ang isip niya, since nagka-trauma siya sa nangyari. Don't worry. She will be awake in no time. Makikita din niya iyung knight-in-shining-armor niya," pang-aasar nito.
"Palitan mo iyong mga bantay sa labas. 'Yung medyo may edad na. May asawa. Iyung tipong mapapanot na saka malaki ang tiyan. Tapos---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumawa nang tumawa si Hernandez. Salubong ang kilay kong nagtanong sa kanya.
"Anong nakakatawa?"
Pulang-pula na ang mukha nito sa pagpipigil na matawa nang malakas, pero tila hindi nito kayang pigilan ang pagtawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang walang humpay ito sa kakatawa. Nang mahimasmasan ito ay saka nagsalita.
"Pare... daig mo pa ang boyfriend," at saka na naman ito tumawa nang tumawa.
Tapos ay bigla na lang itong tumigil sa pagtawa.Biglang namilog ang mga mata nito.
"Pare... Don't tell me na natipuhan mo si Miss Ganda... pare maawa ka. Unconcious pa nga 'yung tao... pwede kang mademanda niyan!"
Tiningnan ko siya nang masama.
"G*go. Hindi ako ganoong klaseng tao. Anong pangalan niya by the way?"
Agad itong nagseryoso ng mukha.
"Walang nakuhang ID o bagay na pwedeng mapagkuhanan ng impormasyon niya," seryosong sagot nito.
"Iyung bag niya? Andoon pa 'yun kanina sa lugar nung binuhat ko siya," sabi ko, nang bigla kong maalala.
"Wala na doon ang bag nang pumunta ang mga tao ko. Alin sa dalawa - binalikan nung suspect o may nakapulot na ibang tao. So ngayon, ang magagawa lang natin ay hintayin siyang magising."
Muli kong tiningnan ang wala pa ring malay na babae. Kawawa naman. Pihadong hinahanap na ito ng pamilya niya.
"May isa pa palang problema..."
Kunot-noong lumingon ako kay Hernandez.
"Hindi raw makaka-duty ngayon 'yung nurse na kinuha ko para magbantay sa kanya. May emergency daw sa bahay nila. Wala pa akong nakukuhang kapalit," sabi nito.
Ibinilin ko kasi sa kanya na isang nurse lang ang magbabantay dito. Mahirap na kung iba-iba ang papasok na nurse dito sa kuwarto.
"It's okay. Ako na lang ang magbabantay," sagot ko kay Hernandez, habang nakatingin sa mukha ng babae.
"Cloud, pare? Iba din ang tama mo dito kay Miss Ganda, 'noh?"
"Ul*l! Tigilan mo ko, Hernandez. Wala naman akong ibang gagawin. Wala rin akong appointment bukas sa office. Tulog naman siya. Matutulog lang din naman ako dito. No big deal."
Sabi ko lang 'yun. Ang alam ko, bagamat Sabado bukas, ay may meeting ako sa accessories business ko. May gusto kasing pumasok na bagong supplier. Ipapare-sched ko na lang kay Donita, isa pang secretary / pamangkin ko, iyung meeting ko bukas.
I don't know. Pero gusto ko andito ako sa tabi ng babaeng to once na magising na siya. Gusto ko ako ang una niyang makikita.
"Okay. Suwerte naman ni Miss ganda. Ang hunk na ng tagapagligtas niya, ang generous pa! At guwapong bantay pa!" nanunuksong sabi nito.
Sinamaan na naman ito ng tingin mula sa akin. Kung hindi lang malaking tulong sa akin itong si Hernandez, nasapok ko na to kanina pa!
~CJ1016