"Dos!" Tinakbo ko ang kinabagsakan ni Dos. Nakita kong may dugo ang sulok ng labi ni Sir Dos, Binalingan ko si Cloud. "Cloud, ano bang problema mo?!" sigaw ko dito. Nakatingala ako dito kaya kitang kita ko ang galit sa mukha nito. Katunayan nito ang pagtaas-baba ng dibdib nito. "So siya na ang kinakampihan mo ngayon?" ang galit sa mukha nito ay napalitan ng lungkot. "Ikaw tong bigla na lang sumusugod dito!" galit na sagot ko sa kanya. Nakatawag na kami ng atensiyon dito sa loob ng coffee shop. Buti na lang at kokonti ang tao. Dahil maaga pa naman at marahil ay mga nasa biyahe pa lang. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Hah! Tama nga si Marga. Pinagsabay mo kami ng lalaking yan." Nanigas ako sa