Alas kuwatro y medya na ng hapon. Kalahating oras na lang at uwian na. Napangiti ako. Sa wakas! Medyo mahaba haba ang pahinga ko. Day off ko bukas at sa susunod na araw ay Linggo. Nagpalingon-lingon ako. Nakita ko naman ang hinahanap ko. Andun si Apple sa kanang bahagi ng restaurant. May kausap itong lalaki na nakaupo sa isang mesa dun. Mukhang maganda ang ngiti ng bruha ah! Napailing na lang ako. Sana lang natagpuan na ni Apple ang forever niya. Kahit hindi na ako. Kahit si Apple na lang. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas ng station ko. Kailangan malinis para very good kay Manager. Busy akong nagpupunas at nag aayos nang may baritonong tono na biglang nagsalita sa harapan ko. "I want to complain somethin