"Cloud. Pwede naman sigurong umuwi na lang ako sa amin. Or dun na lang sa sinasabi ni Lance na safehouse. Nakakahiya na sa'yo." Nilingon ako saglit ni Cloud habang nagda-drive siya papunta sa isang bahay daw niya. As per advice ni Lance hindi muna ako pwedeng lumantad habang hindi pa nakikita iyong suspect. Nag-volunteer si Cloud na doon na lang ako muna sa isang bahay niya. "I'm telling you, mas safe ka dito sa pagdadalhan ko sa'yo. Mas komportable ka pa. Para ka lang nasa bahay ninyo," sabi niya. "Nakakahiya na kasi sa'yo. Masyado na kitang naaabala. 'Yun lang pagkakaligtas mo sa akin, malaking bagay na. Tapos napapagastos ka pa. Baka di na ako makabayad sa'yo," sagot ko sa kanya. "Wala 'yun. Masaya akong natutulungan kita. Don't worry, ililist