Naiilang akong nakatayo sa isang sulok ng malawak na sala na to. Magkasama kami ni Cloud nang biglang hilahin to ni Marga. "Gurl, hiramin ko muna boyfriend mo ha?" sabi nito nang biglang sumulpot sa harap namin ni Cloud. "Marga, hindi ko siya pwedeng iwan. Walang kakilala dito si Janina." kontra ni Cloud. "Sandali lang to, Cloud. Dumating na si Mr. Gascon. Unahan mo na si Dos hanggang wala pa siya. Come on!" pamimilit ni Marga habang nakahawak sa braso ni Cloud ang isang kamay at ang isa naman ay may hawak na kopita. Atubiling tumingin sa akin si Cloud. "Is it okay?" Alam kong matagal na itong hinihintay ni Cloud. Ang makuha ang sole distributorship ng Henry Motors from Germany. Tumango lang ako. "It's alrigh