Tila nanigas ang katawan ko. Kitang kita ng mga mata ko kung paano tila gutom na gutom si Marga sa paraan ng paghalik niya kay Cloud. Nakayakap ang dalawang braso nito sa leeg ni Cloud habang nakataas pa ang isang hita sa katawan ni Cloud habang nakahawak naman si Cloud sa hita nitong nakataas at isang kamay ay nakahawak sa isang braso ni Marga. Kitang kita ko pa ang mariing pagkaka-pikit nito na tila ba sarap na sarap! Pakiramdam ko ay namanhid ang mga paa ko at hindi ko iyon maihakbang. Pinilit ko pa ring ihakbang ang mga paa ko. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Masyadong abala yung dalawa kaya nakaalis ako nang hindi nila ako napapansin. Hindi ko alam kung pano ko nagawang makaalis sa kinatatayuan ko. Nagawa kong makalabas