Nagising ako nang may humahaplos sa mukha ko. "I need to go to the office, babe..." Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Cloud na nakatunghay malapit sa mukha ko. "I hate to go...but I have to. UUwi ako agad. Promise. I will make it quick." saka ito bahagyang ngumiti. Kinuha nito ang kamay ko at saka may inilagay doon. Inangat ko iyon at nakita kong bagong cell phone yun. "Ibibigay ko dapat yan sa yo kahapon kaya ako nagpunta sa hotel mo. That's when I learned na paalis ka pala..." para namang biglang lumungkot ang mukha nito. "Hindi mo na kasi pinalitan yung cell phone na binigay ko sa yo noon." ngumiti uli ito. "G-gumagana pa naman kasi." nahagilap kong ikatwiran. Pinisil nito ang ilong ko at