[CLOUD] Masigla akong gumising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Janina bago ako umalis papunta sa AMP. I hate to leave pero may mga kailangan pa kasi akong i-sign para sa shipment ng mga unang stocks na parating dito sa bansa. Bago ako bumaba, dumaan muna ako sa Master's bedroom kung saan natutulog si Janina. Sinilip ko siya habang mahimbing ang tulog niya, Napangiti ako. Deja vu? Parang ganito lang din noon, pinupuntahan ko siya sa bahay sa Bulacan at saka pagmamasdan siya habang tulog siya.Napangiti ako sa alaala na yun. Nang bahagyang gumalaw si Janina ay napagpasyahan kong lumabas na ng kuwarto at magluto na. Baka kasi hindi ako makatiis at tabihan ko siya sa kama. TAPOS na akong magluto ng almusal. Napagpasyahan