"Gurl, tinanong mo na ba si Cloud kung sa kanya galing ang mga natatanggap mo araw araw?" tanong ni Lyka. Kasalukuyan kaming nasa canteen na magkakaibigan at nagme-meryenda. Dahan dahan akong tumango. Bigla namang nagtilian ang tatlo. Napalingon ako sa mga katabi naming mesa. "Shhhhh...ano ba naman kayo!" mahina kong saway. "Sagutin mo na agad bakla! Wag ka na mag-inarte pa. Sa wakas! Madidiligan ka na...." sabi naman ni Apple. "Heh! Yan talaga agad ang naisip mo? Ang halay mo talaga kahit kailan eh noh?" sabi naman ni Nancy. "Sus! Sa itsura ni Papa Cloud mag-iinarte pa ba ang lola nio? Kung ako siguro yun aayain ko na agad yun ng kasal." nakanguso pang sagot nito. "Teka Janina...nagsabi na ba sa yo na liligawan ka niya....o nil