CHAPTER 19

2095 Words

        Naalimpungatan ako nung marinig kong tumunog ang message alert ng phone ko. Tiningnan ko ang wall clock sa dingding at nakita kong alas sais y medya na ng umaga. Hindi nag-alarm ang phone ko o sobrang himbing ng tulog ko?         "Sh*t!"         Nagmamadali akong bumangon. May nakita akong unread message sa phone.         Mamaya ko na lang babasahin.         Dinampot ko ang tuwalya sa paanan ng kama ko at dumerecho na sa banyo. Pag hindi ako nagmadali male-late ako! Pahamak na Cloud kasi yun. Hindi ako pinatulog.         Nagmamadali akong naligo. Sa lahat ng ayoko e yung ma-late ako ng pasok. Pagkalabas ko ng banyo ay kinuskos ko ng konti ng tuwalya ang buhok kong tumutulo pa. Nang sa tingin ko ay hindi na ito tutulo pa ay tinigilan ko na at nagmamadaling nagbihis ng uniporme.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD