Tuwang tuwa ako at walang tigil sa kakahiyaw. Ilang bote na ba ng alak ang nainom ko? Hindi ko na maalala. Hindi ko na rin maalala kung anong pangalan ng kasayaw ko ngayon. After-launching celebration party ito ng company ci Cloud. Sh*t! Sabi naman ni Cloud wag akong didikit kay Clark. Eh hindi naman ito si Clark eh so okay lang! "Hhhuuuuu! Naisahan ko si Cloud!!!" sigaw ko. Alam kong wala namang makakarinig sa sigaw ko sa ingay ng tugtog at sigawan sa paligid. Kahit papaano sa pamamagitan ng alak at party na to ay pansamantalang nakalimot ako sa issue na namamagitan sa amin ni Cloud. Hah! Si Cloud. Buti naman at hindi ako ginugulo ng lalaking yun. Ang sarap sa pakiramdam na wala siya sa paligid ko. Nakakapagtakang wala na din yung mga bantay sa