***** RUCIA **** “Wet dreams with me? Heck, seriously?!” “Sinasabi mo?!” apila ni Rucia na hindi malaman kung anong ipapalusot at gagawin. Mabilis na pumasok sa isip niya ang naratnang eksena ni Aman na kanyang ginagawa. Kung maaari nga lamang ay nagpalamon na siya sa lupa sa sobrang kahihiyan. “Hindi mo naman kailangang managinip. Sabihin mo lang sa akin and I’m willing to—“ “Gago!” Hindi niya hinayaang matapos ni Aman ang sinasabi. Itinulak niya ito sa noo at nagmamadaling umalis sa pagkakahiga. Halos patakbo rin siyang lumabas ng silid, animo’y may tinatakasan. ‘Eiiiihhh!’ tili niya sa kanyang isip nang pababa siya sa hagdanan. Juskolord, anong klaseng panaginip ba iyon? Hindi naman siya ganoong katigang pa sa lalaki, ah. Wala naman na sa kanya ang s*x simula napadpad siya rito