***** RUCIA **** Mabilis na isinara ni Rucia ang kurtina ng bintana ng sala na kanyang sinisilipan nang makita niyang papasok na sa gate ng farmhouse ang sasakyan ni Aman. Tapos bumalik siya sa kinauupuan at kunwari siyang busy sa panonood ng TV kasama si Santiago. Hindi nga lang maitatanggi sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagkainis gawa ng magkasalubong niyang mga kilay. Paanong hindi siya maiinis? Paumaga pa lang nang umalis si Aman kanina kasama si Chana anong oras na ngayon? Alas dos na ng hapon. Tirik na tirik na ang araw. Nagulat na lamang siya nang may kamay na dumantay sa kanyang bisig. At kamay ni Santiago. Minsan pa ay nawala sa isip niya na kasama niya ito. May kasamang hiya na nagtatakang tiningnan niya ito. Nakusot nga lang lalo ang kanyang mukha nang nakita niyang n