***** RUCIA ***** “Good morning.” Ilang kurap si Rucia ng mata nang marinig niya ang bati na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay ang boses ang pinakanakatatak na sa kanyang pandinig. Ang boses na nagpapatibok sa kanyang puso. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis at tuluyang iminulat ang kanyang mga mata. Grabe, ano kayang nagawa niyang kabutihan sa kanyang past life at binigyan siya ng ganito kaguwapong boyfriend? Feeling blessed talaga siya. Nadagdagan ang hiling niya sa Diyos. Ang sana si Aman na ang ang kanyang ‘The One’. “Morning,” bati rin niya kay Aman. Muli ay pinikit niya ang mga mata at nag-inat. “Hoy, Besh! Gumising ka na nga! Nananginip ka pa ba?” ngunit ay biglang boses ni Chana. Si Chana sa kuwarto niya? Eh? Nang minulat niya ulit ang kanyang mga mata ay nabungaran ng