***** RUCIA ***** Alas kuwatro na nang hapon nang umangat ang chopper pabalik sa Ilocos Sur. At panay ang kaway ni Rucia sa Nanay at Tita Lucia niya mula sa maliit na bintana hanggang sa nakikita pa niya ang mga ito. Kanina ay hirap na hirap siyang magpaalam. Kay sakit sa dibdib niya na iiwan ang nanay niya. Kung maari nga lang sana ay magpapaiwan na sila ni Santiago o kaya dalhin niya ang nanay niya sa Ilocos para may kasama na siya sa pag-aalaga kay Santiago. Pero hindi niya iyon magagawa. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila kung sino talaga si Santiago sa buhay nilang mag-ina? Ayaw niyang masira ang pangalan nila sa mismong probinsya nila. Isa pa ay ayaw niyang matali rin ang nanay niya sa pag-aalaga kay Santiago. Maganda na ang kinalalagyan ng kanyang ina ayaw