***** RUCIA ***** “You okay?” tanong ni Aman sa kanya. Tumigil na siya sa pag-iyak. Sisinghot-singhot na lang siya. “Oo,” malat ang boses na sagot niya. May kasama na rin iyong ngiti. Okay na siya kay Aman. Sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya kanina ay ang sama naman ng ugali niya kung magmamatigas pa siya rito. “Mabuti na lang at mabilis lang kami ni Benz kanina. Bumalik kami agad.” “Saan ba kayo nagpunta?” “Bumili kami ng gamit namin sa palengke. Nangangamoy kili-kili na kasi kami ni Benz.” “Baliw,” aniya rito na natatawa. “Kahapon pa kaya kami walang ligo. Kaya nga yata napatumba niya ang dalawang tauhan ni Mrs. Nimfa dahil may kili-kili powers na siya, eh,” ayaw paawat na sabi pa rin ni Aman. “Ewan ko sa’yo,” aniya. Syempre hindi siya naniniwala ro’n dahil kanina ngang