***** RUCIA ***** “May chocolate pa ‘yan pero nalusaw na kaya tinapon na ni Benz,” sabi ni Aman. Nadyadyaheng kamot-ulo ito. Abot hanggang tainga na sinuri-suri ni Rucia ang bouquet of flowers. Wala rito kung lanta na ang mga bulaklak. Kinilig pa rin siya. “Promise ibibili ulit kita. Sorry,” hinging paumanhin pa ni Aman. “Sa kamamadali ko na bumalik dito ay hindi na ako nakabili. Mas naging mahalaga sa akin na makita ka agad.” Kinampay niya ang kamay. “Naku, huwag na. Okay na ito. Maganda pa rin naman siya.” “Pero—“ Hindi naituloy ni Aman ang sinasabi dahil pumasok si Benz. Tulak-tulak ang isang mamahaling wheelchair. Rucia gasped. Ang kamay niya’y napatapik sa kanyang bibig. Napakabilis na nagbago ang kanyang emosyon nang makita niya ang wheelcahir. Mula sa natutuwa at nakiki