***** RUCIA ***** Nakailang hilamos na si Rucia ng mukha sa may gripo ngunit ay hindi pa rin matigil-tigil ang kanyang pagluha. Patuloy pa rin sa pagbagsak dahil sa sobrang sama ng loob niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aman, na iniwana na siya pagkatapos magtagumpay na paibigan siya. Gagong lalaki! Ang babaw ng utak na lalaki! Iyon lang? As in iyon lang? Gagantihan na siya? Sasaktan na ang damdamin niya? HINDI SIYA DIYOS para magparusa sa kanya! Wala siyang karapatan! “Galit ako sa’yo, Aman! Galit na galit!” gigil na gigil niyang sabi. Ang mga kamay niya nakatukod sa lababo ay kuyom na kuyom. Grabe rin ang taas-baba ng kanyang dibdib habang nagngingit ang kanyang mga ngipin. Nga lang ay saglit lang iyon dahil lumaylay rin ang kanyang mga balikat at saka napahagulhol