***** AMAN ***** Kung makikita lang ng mga mata tulad sa mga fantasy movies ay makikita sana ang nag-aapoy na awra ni Aman sa paligid ng katawan niya nang pumasok siya sa building ng EZ Lending Company na kanyang pagmamay-ari. Makapangyarihan, maotoridad, at mapanganib ang kanyang hitsura. Tila ay walang ano mang bagay na puwedeng bumasag ngayon sa kanyang pagkaseryoso. “Good afternoon, Sir,” mga bati ng mga nag-aalangang empleyado. Hindi normal ang pagkakasimangot ng kanilang boss kaya nagtataka ang lahat. Sa kauna-unahang pagkakataon ay walang pinansin si Aman kahit isa. “Si Sir ba ‘yan? Nakakatakot naman siya ngayon?” “Mukhang may malaking problema si Sir.” “Hindi ako sanay na ganyan si Sir.” Mga bulungang umabot tuloy sa kanyang pandinig. Gayunman ay hindi niya pinagkaabalah