***** AMAN ***** “Demonyo ka!” walang anu-ano ay sinugod ni Aman si Gabs at pinatikim ng solidong suntok sa mukha. The lawyer he was talking to didn’t have to answer. He immediately realized that the suspect the witness was pointing to was Gabs. “Oy!” ang naging reaksyon ng dalawang pulis na nakaalalay kay Gabs. Mga nagulat. Hindi inasahan ang biglaang pagsugod. “Aman!” sigaw naman ni Kai na napatakbo. Pinigilan ang kaibigan ngunit nagmistulang mabangis na halimaw na si Aman kaya nag-alangan din ito. Natakot na baka ito ang pagbuntongan ng galit ng kaibigan. “Paano mo nagawa iyon sa sarili mong asawa, hah?! Paano?!” Pulang-pula ang mukha ni Aman na sinunggaban niya ang kwelyo ni Gabs pagkatapos ng suntok. Kitang-kita ang mga ugat sa mga kamao niya’t leeg niya ang matinding galit.