*****RUCIA***** “Unang araw pa lang gumagawa na siya ng kahalayan dito sa farmhouse! Hindi na nahiya!” protesta ni Rucia sa nagpa-panic na tinig. Pabalik-balik siya ng lakad sa sariling silid. Wari ba’y kay laki ng kanyang problema na hindi niya maisip-isipan ng solusyon. Sa nakita niya na ginagawa nina Chana at Aman, gustuhin man niya ay hindi niya agad nasita ang dalawa. Alangan namang pumasok siya sa silid na iyon at hilahin ang hubo’t hubad na katawan ni Aman? Hindi puwede ‘yon. Paano kung makita niya ang nakatuklaw na ahas? Isa pa parang invading of privacy na iyon, intimate privacy pa. Kaloka. Hindi siya nakatuntong sa college pero alam naman niya ang mga bagay na iyon. Salamat kay Santiago. Sa tuwing kasama niya kasi noon ang matino at wala pang sakit na si Santiago ay madami