*****RUCIA***** “Lagyan ko kaya ng lason ang dinakdakan na gagawin ko mamaya para matigok na kayong parehas,” paghihimutok na wika niya habang masama ang loob na nakatitig sa dalawang taong nag-iinuman sa pahingaang kama na kawayan sa labas ng farmhouse, lalo na sa lalaki. Hindi niya matanggap ang pambibitin sa kanya ni Aman. Pagkatapos nitong buhayin ang kanyang pagkabab*e gano’n na lang na iwanan siya tapos heto’t kay Chana naman ito ngayon nakikipaglandian. Ang saya-saya tuloy ng malanding si Chana. Kainis na Aman. Nag-about face na siya. It took her a mountain of self-control na hindi sugurin si Aman bago siya nagpasyang puntahan si Santiago. Natigilan nga lang siya nang makita niya ang matanda sa kuwarto. “Gising ka pa pala,” aniya. Usually kasi kapag umaalis si Kyd ay tulog na