PART 10

1891 Words
***** RUCIA *****   “Kung nag-aalala ka man ay wala kang dapat ipag-alala. Bisita lang si Aman,” nakangiting sabi ni Rucia kay Santiago habang pinupunas sa kamay nito ang maligamgam na bimpo. Umaga, tanghali at gabi niya pinupunasan ang matanda para maging presko ito sa katawan. Maliban na lang kung may lakad siya’t magbebennta ng kung anu-ano ay si Kyd ang gumagawa. Tuwing Lunes, Myerkules at Sabado naman nila pinapaliguan. Hindi araw-araw dahil napakahirap paliguan ni Santiago. Napakabigat nito dahil malaki ngang tao. Noong wala pa nga si Kyd na tumutulong sa kanya ay hirap na hirap siya. Pasalamat talaga siya sa Diyos at dumating ang batang iyon sa buhay nila. “Aahh!” ungol ni Santiago. Gawa ng dalawang beses na itong na-stroke ay hindi na ito nakakapagsalita. May parte na rin ng katawan nitong tuluyan nang naparelasa tulad ng mga paa nito at isang kamay nito na bumaluktot. Hindi na na-o-open ni Santiago ang kamao nito. Isa pa iyon sa hirap niyang linisan dahil kailangan niyang pwersang i-open para malinisin kung hindi ay mangangamoy. “Nangako ako sa’yo na aalagaan ka at tutuparin ko iyon. Wala kang dapat ipag-alala,” kahit hindi niya naiintindihan ang nais sabihin ni Santiago ay wika niya ulit upang sa ganoon ay mapanatag ang loob nito kung sakali mang may pag-aalala itong nararamdaman ukol kay Aman. “Bangon ka na,” sabi niya kay Santiago nang matapos niyang punasan ito. Kailangan din niya itong bangunin lagi upang hindi magka-bedsore. Dapat niyang mapanatiling malinis ang matanda kung hindi ay siya lang ang mas lalong mahihirapan. “Do you need help?” tinig ni Aman. Napalingon si Rucia sa may bandang pinto. Nakahalukipkip si Aman habang nakasandal patagilid sa hamba. Mas maaliwalas na itong tingnan kumpara kahapon na naka-formal attire. Suot na nito ang kanyang binigay rito na mga damit pambahay. At kahit mumurahin lamang ay nagmistulang branded na ang mga iyon sa katawan ni Aman. Kay sarap nitong irampa sa labas at sabihing ganito magiging ka-guwapo ang mga bibili ng mga paninda niyang shorts at T-shirt. “Hindi na. Kaya ko na ito. Bakit gising ka na? Wala pang dalawang oras na tulog ka, ah,” aniya nang makuha niya ang sarili. Muntik na naman siyang mapatulala sa kaguwapuhan ng binata na hindi dapat. Priority niya ang pag-aalaga kay Santiago. Walang puwang ang kahit ano mang nararamdaman niya sa ibang tao. “Ako na.” Kaya lang ay maagap si Aman. Iglap ay nasa likod na nito’t nakaalalay rin kay Santiago. “Ah-ah,” ungol ni Santiago. Alam ni Rucia na ayaw magpatulong ni Santiago kay Aman. Tatanggihan niya rin sana ang inaalok na tulong ng binata, pero dahil sa pagkakadikit ng mga braso nila at hindi niya gusto ang mumunting init na pumapaso sa kanya, ay nagbigay siya ng daan. Dumestansya na siya upang malayang mapaupo ni Aman si Santiago. “Dahan-dahan po,” sabi ni Aman kay Santiago hangga’t napaupo ito nang maayos. Mabilis naman niyang nilagyan ng mga unan ang likod nito. Iniwasan na lamang niya ang masamang tingin nito. Knowing na may pagkaseloso noon si Santiago ay baka magpahanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis. “Ano pang gagawin? Okay na ba siya niyan?” tanong pa ni Aman. Binalingan niya ito ng tingin at nginitian. “Oo, okay na muna siya rito. Kung hindi sana umuulan ay ilalabas sana siya gamit ang wheelchair. Bukas na lang o mamaya kapag wala na ang ulan.” Tumango-tango si Aman. “Halika ka na. Tamang-tama nag-aalmusal na si Kyd roon sa kusina. Makisabay ka na sa kanya. Akala ko kasi mamaya ka pa gigising,” alok na niya rito nang wala siyang masabi. Totoong okay naman na si Santiago kahit iwanan na nila. Hindi naman ito pasaway na matanda kaya madali lang alagaan. Pupuntahan na lang mamaya ni Kyd pagkatapos kumain ng bata. Aalis kasi siya ulit kahit umuulan. Idi-deliver niya ang mga orders na pinamili niya kahapon para maging pera na. Pagkatapos isasabay na niya ang paniningil sa mga nakautang sa kanya. Magkasunod silang bumaba ni Aman sa may kusina. Naratnan nga nila roon si Kyd roon. “Hi, Kuya. Dito ka natulog? Hindi ka natakot sa multo?” ukray agad ni Kyd kay Aman. Pinanlakihan ng mata ni Rucia ang bully na bata. Tumiklob naman pansamantala. Tinuloy ang pagkain ng sinangag na may itlog at toyo. “Huwag mong pansinin ang batang ‘yan. Pasaway talaga ‘yan,” pabulong na sabi ni Rucia nang lingunin niya si Aman. Tipid na ngumiti naman ang binata. Mukhang napahiya na naman. “Upo ka na’t mag-almusal. Pasensya ka na lang sa ulam kung toyo at itlog lang.” Siya man ay nahiya rin sa binata. Sa hitsura ni Aman ay batid niyang mga ham, porkchop at spam ang inaalmusal nito. Kung hindi man ay baka hindi na nag-aalmusal sa bahay dahil sa restaurant na ito nag-aalmusal. Tahimik na umupo si Aman. Si Kyd ang nginitian nito. Nga lang iningusan ito ni Kyd. Problema rin nito kay Aman? Nakausli ang nguso niya na nilapitan si Kyd. “Puntahan mo na’t bantayan si Lolo San mo kung tapos ka nang kumain.” “Aray!” malakas na atungal ni Kyd. Lumaki ang mata niya dahil oo’t piningot niya ito pero hindi naman malakas. “OA mo!” Bahagyang tinulak niya ito sa ulo. “Nananakit ka kasi,” ingos nito sa kanya. Napasinghap siya. Aba’t lumalaban na pati! Akmang pipingutin niya ulit ito at sa taingan na talaga nang kasi ay natawa kaunti si Aman. Maang na napatangin sila ni Kyd rito. Tingin na anong nakakatawa. Biglang tigil naman ang binata. Umubo. “Nakakatuwa lang kayo kasi. Ang cute niyo. Para kayo talagang magkapatid.” “Ayoko ngang maging kapatid siya. Ang sungit kaya niya,” reklamo agad ni Kyd. “Ah, gano’n? Ano kaya kung hindi na kita papupuntahin dito sa bahay para wala kang pera at wala kang libreng pagkain?” asik naman niya. Kinuha niya ang kutsara at tinidor dito. Nag-“He-he” ang bata. As in dalawang HE lang. Na-realize agad ang pagkakamali ng sinabi nito. “Peace. ang bait mo kaya, Ate Rucia.” Nginitian niya ito na tabingi ang ulo. Iyong ngiti na abo’t hanggang tainga at wala ng mata. Hindi naniniwalang ngiti. “Akin na ‘yan. Hindi pa ako tapos kumain, Ate,” ungot ni Kyd. Binawi sa kamay niya ang mga kunyertos. “Pasensya ka na sa batang ito,” hingi naman niya kay Aman ng despensa. “It’s okay. Ang cute nga, eh. Naalala ko tuloy ang dalawang kaibigan ko,” sabi ni Aman. “Mga bata rin sila tulad ko, kuya duwapo?” inunahan siyang tanong ni Onnoy. Hindi nakaligtas sa kanya ang word na ginamit ni Kyd na ‘duwapo’. Gusto niyang tanungin kung bakit duwapo at hindi guwapo pero huwag na lang at baka hindi niya magustuhan ang sagot. Alam niyang kalokohan na naman. Kaya nga nagkasundo sila ni Kyd agad noong nakita niyang parang gutom sa kalsada ay dahil pasaway itong tulad niya. “No, mga kaedad ko na sila. Sina Kai at Dhenna,” sagot ni Aman. “Eh?” ang reaksyon ni Kyd. Siya naman ay tumaas ang isang kilay niya. Nagtatawa muna si Aman bago magpaliwanag. “Mga pasaway rin kasi sila. Parang mga bata kaya laging sakit sa ulo ko noon.” Sabay sila ni Kyd na napa-“Aaaahhhh!” “Para silang si Ate Rucia. Isip-bata,” nga lang ay sabi pa kasi ng bata kaya wala sa oras na nabatukan niya ito. “Aray naman, Ate, eh!” angal na naman nito. “Ako isip-bata?” Tinuro niya ang sarili. Humagikgik lang si Kyd. Iningusan niya ulit ito. Pagkatapos ay inasikaso na niya si Aman. Binigyan niya ito ng babasaging plato. Nilagyan ng kanin at ulam. “Gusto mo kape?” Tumango ang binata. “Thank you.” “Kuya, taga-saan ka? Galing ka ba Maynila rin tulad namin ni Ate Rucia?” tanong ni Kyd kay Aman na narinig niya habang nagtitimpla ng barakong kape. At dahil maayos naman ang tono nito ay hinayaan na lang niya. “Yeah. Taga-Quezon City ako. Bakit taga-Maynila ka rin ba? Akala ko tagarito ka?” Si Aman. “Hindi. Doon kami sa Payatas noon nakatira nina Nanay. Lumipat lang kami rito sa Ilocos noong namatay ang lolo ni Tatay. Dito na kami pinatira para magsaka na lang daw si Tatay,” paliwanag ng bata. Saktong paglingon niya ay ang pagsubo ng itlog ni Aman at pagtango-tango. “Now I know. Kaya pala matatas kang mag-Tagalog.” Inilapag naman na niya ang kape sa bandang gilid ni Aman. Nang tingnan niya si Kyd ay nakikipagngitian na ito kay Aman. Buti naman! “Thank you,” pasasalamat sa kanya ni Aman. “Si Ate Rucia galing din doon. Artista ‘yan doon, Kuya. May nakita akong picture niya. Nagsasayaw siya at ang sexy niya. Ang ganda-ganda niya. Madaming nanonood sa kanya,” kaso ay pagyayabang pa kasi sa kanya ni Kyd.   Kahit wala siyang kinakain o iniinom ay bigla siyang nabilaukan. Grabe na bilaok. “Tubig, Ate.” Maagap na inabutan siya ng tubig ni Kyd. Ito kaya ang lunurin niya ng tubig? Hindi na lang manahimik, eh. Ang daldal. “You okay?” Habang si Aman ay hinimas-himas ang likod niya. Pagkatapos ay pinaupo. Ilang ubo pa siya bago niya pinagtabuyan na talaga ang bata. “Kyd, sige na. Puntahan mo na si Lolo San mo. Mamaya ka na ulit kumain pagdating ko. Sige na.” Dahil guilty ay tumalima na nga ang bata. Nagtatakbo ito patungo sa kuwartong kinaroroonan ng matandang babantayan. “Tubig pa?” nag-alalang tanong sa kanya ni Aman. “Hindi na. Okay na ako. May… may nakaalala lang siguro sa akin,” palusot niya. Umalis din siya sa pagkakaupo. “Sige na. Mag-almusal ka na. Pasensya ka na ulit kay Kyd. Makulit talaga iyon.” “Okay lang. Masarap nga siyang kausap, eh,” mukhang totoo naman na sabi ni Aman. “Oo, minsan okay naman ang batang iyon. Mas marami nga lang na pahamak,” sang-ayon at pagsalungat niya. Kung wala lang si Aman ay nasabunutan na niya kanina si Kyd. Okay na, eh, kaso nasabi pa kasi ang mga bagay na iyon. Aissst! Iyong larawan na sinabi nito ay nakita noon ni Kyd sa wallet niya nang pinakuha niya ng pera noon sa wallet. Tiwala na rin kasi siya kay Kyd. Kahit ganoon iyon ay hindi naman malikot ang kamay. Nga lang iyon nga nakita noon ang picture niya at sa murang edad na sampo ay ito mismo ang nag-isip na artista o nag-artista siya noon. Hinayaan lang naman na niya dahil sa isip niya noon ay anong sasabihin niya kung sasabihin niyang mali ito nang inisip. Alangang sabihin niyang dancer siya noon sa isang. Mas panget naman iyon na ilalagay niya sa isip ng isang bata. Malay ba niyang mangyayari ang ganitong sitwasyon na may estranghero silang makikilala at sasabihin dito ni Kyd na artista siya. Jezzz! “Pero matanong lang. Totoo bang artista ka noon?” nga lang ay tanong ni Aman na naman. Napangiwi na talaga siya………  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD