***** AMAN *****
'"Wag kang paranoid, Aman. Istrikto talaga ang mga lolo sa apo nila,' sita ni Aman sa kanyang sarili. Kahit kasi umalis na sila ni Rucia sa kuwarto ni Lolo San ay hindi maalis sa kanyang isipan ang masamang tingin sa kanya ng matanda. Parang may pinapahiwatig o sa tamang salita ay nagbababala.
"Anong nangyari sa Lolo San mo?" hindi niya natiis na itanong kay Rucia. Nagkakape sila sa may balkonahe ng farmhouse. At medyo maliwanag na ang paligid dahil pasilip na ang haring araw. Mag-alas singko na.
Actually ay lumamig kanina ang mga kapeng ginawa ni Rucia. Nagtimpla lang ulit ang dalaga. Hindi kasi sila nakaalis agad sa kuwarto ni Lolo San dahil parang nag-alburoto ang matanda. Ayaw paalisin si Rucia.
"Na-stroke siya at dalawang beses na kaya todo alaga ako sa kanya ngayon dahil baka kung mapaano na siya talaga kapag na-stroke ulit siya," malungkot na sagot ni Rucia. Hawak ng dalawang palad nito ang mug na sumimsim ng kape. Pinapainit ang mga palad. Malamig pa rin kasi ang simoy ng hanging madaling araw.
"Aren’t you having a hard time taking care of him? Kasi mag-isa ka lang, eh," tanong niya pa.
"Nahihirapan pero minsan okay naman siya. Minsan tinutupak lang talaga pero kadalasan matino pa rin naman ang isip niya. Iyon nga lang hindi na siya nakakapagsalita kaya puros ungol na lang. Isa pa tinutulungan naman ako ni Kyd."
Tumango-tango siya. "Siguro ikaw ang paborito niyang apo noon kaya ikaw ngayon ang nag-aalaga sa kanya. Am I correct?"
Sa sulok ng kanyang mata ay napansin niyang napatitig sa loob ng iniinumang mug si Rucia. Bigla ay parang naging malalim ang iniisip ng dalaga.
Napatingin na siya sa dalaga nang hindi na ito umimiik pa. "May nasabi ba akong hindi maganda?"
"Halla, umuulan na," ngunit muli ay pag-iiba ni Rucia sa usapan nang biglang nag-unahan ang patak ng ulan sa pagbagsak. Tapos ay pabiglang tumingin sa kanya. Mula sa malungkot na hitsura nito ay naging makulit na naman. "Paktay ka. Parang hindi ka makakauwi agad."
He shrugged his shoulders. "It's okay. Basta okay lang sa'yo na dumito muna ako. Okay lang ba?"
Tinaasan siya ng kilay nito.
Pinakawawa naman niya ang mukha. "But I understand if hindi pwede. Baka magalit ang lolo mo."
Tila ay nag-isip ang dalaga. Nagdasal naman siya na sana hindi nito mapansin na sinasadya niya ang hindi muna makaalis.
"Hindi. Okay lang naman. Hindi naman big deal iyon. Puwede kang mag-stay rito kahit gaano katagal pa na gusto mo. Napatunayan ko naman na na hindi ka masamang tao," sa wakas ay wika nito. Kay tamis na ulit ng pagkakangiti.
"Really?" He pretended to be amazed at what she said. Sa tingin niya ay ito na talaga ang simula sa closeness nila.
"Basta wala kang masamang balak sa akin, ah? ‘Wag kang ma-i-in love sa akin. Bawal," ngunit nang dugtong na sabi ni Rucia ay napatanga siya sa mukha nito.
She can’t be serious, right?
"Joke lang. Sige na ubusin mo na ‘yang kape mo para makapagpahinga ka na," mabuti’t mabilis na bawi ni Rucia sa sinabi. Nagtatawa ito. Napakakulit na tawa.
Nakangiting napailing naman siya.
"Naku, mukhang may bagyo," sabi ni Rucia nang balingan ng pansin ulit ang lumalakas na ulan.
‘Sige, lakasan mo pa. Huwag kang tumigil hanggang bukas,’ pilyong hiling naman niya sa nagngangalit na ulan. Hindi siya natatakot kahit lumakas pa ang ulan ng sampong beses dahil kita naman niya na kahit luma na ang farmhouse ay napakatibay naman ng pagkakagawa.
“Mabuti nga’t bumagyo para makasama pa kita,” sa malayo ang tinging sabi niya. He wandered his gaze around. Ang ngiting idinikit niya sa mga labi niya ay tila gustong-gusto niya ang ulan. Wari’y isa siyang pluviophile, a lover of rain; someone who finds joy and peace of mind during rainy days. Gayong kabalitktaran iyon sa kanya. He hates rain. Pouring of rain disrupts outdoor works. Iyon ang ayaw niya. Sagabal sa pagpasok sa trabaho.
Tuluyan nang napamaang si Rucia sa kanyang iwinika. Nakataas na ang isang kilay nto nang mula sa ulan ay lumipat ang tingin niya rito.
“Joke lang din,” nakangiting bawi niya rin sa sinabi sunod kindat.
“Gaya-gaya,” tuya sa kanya ni Rucia. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang paglaylay ng mga balikat nito na tila ba nakahinga ito nang maluwag. Napabuga ito ng hangin sa bunganga.
He smiled inwardly. Alam niya na natatamaan na niya agad ang puso ni Rucia sa mga the moves niya kahit na wala pang kuwarenta’y otso oras silang magkasama. At napapangisi siya ng lihim sa lagay na iyon. Ibig lang sabihin ay hindi siya mahihirapan na paibigin ang dalaga.
“Halika na sa loob at makapagpahinga ka. May mga bakanteng kuwarto ang farmhouse sa taas. Doon ka na magpahinga. Itulog mo dahil tingnan mo ang mata mo babagsak na. Gusto nang pumikit sa antok,” saglit ay ani Rucia. Nauna na itong pumasok sa bahay. Ni hindi nito hinintay na tumanggi o sabihing gusto nga niyang matulog kahit saglit lang.
He followed on her heels. Pinag-aralan niya ang likod ng dalaga. At masasabi niyang may hubog talaga ang katawan nito. In short ay sexy at hot pa rin si Rucia kahit na matagal na itong hindi entertainer sa club. Ang katawan at kagandahan nito ang magpapatunay na minsan ay naging hot chick ito dahil kung sa klase na ng buhay nito, kasama na ang paraan ng pananamit ay hindi na kababakasan ang minsang nabuhay ito sa madilim na mundo.
“Dito ang kuwarto,” sabi ni Rucia sabay lingon sa kanya.
Huli na para iiwas niya ang tingin dahil nahuli siya nito na nakatitig sa puwetan nito. Nakita ni Rucia dahil napatingin si Rucia sa sariling nitong puwetan. Napaubo na lang siya kahit hindi naman siya nabilaukan.
Inirapan siya nito. “Lalaki talaga, oh. Kahit guwapo may manyak.”
Kamot siya sa ulo. “Hindi naman. May… may dumi lang kasi kanina riyan. At… at hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo,” palusot niya. “Saka itong guwapo kong ito manya—“ dagdag pa sana niya.
“Hep! Stop!” pero ay interrupt na naman ng dalaga.
“Okay, sorry kung parang naging ganoon ako,” sa huli ay pagpapakumbaba niya. Aminado siyang mali naman iyong pagtitig niya sa puwetan nito kahit na complement pa iyon dahil humahanga lang siya sa perpektong pagkakahubog. Lalaki pa rin siya at babae si Rucia kaya maling-mali na titigan niya ang ano mang pribadong mayroon ito sa katawan. Kabastusan pa rin.
“Oy!” Muntik nga lang mahulog ang mga mata niya sa pagluwa nang biglang hablutin ni Rucia ang kamay niya at pinunas sa puwetan nito. Kumalat pati ang mumunting koryente sa kanyang katawan dahil sa malambot na nadama ng kanyang palad.
“Wala na ba ang dumi?” tanong pa nito na parang wala lang ang ginawang kapangahasan. Tapos ay nagtatawa. “Huwag kang mag-alala hindi ako maarte sa katawan. Ang ayaw ko lang ay binabastos o minamanyak ako,” saka sabi nang ibalik sa kanya ang kamay.
“O-okay.” Pinilit niyang huwag magpakita ng kahit anong reaksyon maliban sa pagkagulat. Ni ang paglunok ay pinigil niya upang hindi gumalaw ang kanyang adam’s apple at baka iba na naman ang isipin ng kausap.
Labas sa ilong na natawa si Rucia bago nito binuksan na ang pinto ng kuwartong gustong ipaukopa sa kanya. “Okay lang ba ito sa’yo?”
Sinilip niya ang kabuoan ng kuwarto nang niluwagan ni Rucia ang pinto upang makapasok siya. “Oo naman. Hindi naman din ako maarte. Salamat.”
“O, sige maiwan kita saglit. Kukuha lang ako ng pamalit mo para makatulog ka nang maayos. Huwag kang mag-alala may sariling banyo ito kaya puwede kang mag-shower anytime na gusto mo.” Pagkasabi niyon ni Rucia ay iniwan na siya. Ito na rin ang nagsara ng pinto pahila.
Pagkatapos magbuga nang malalim na hininga si Aman ay napailing siya’t napamaywang. Napakagat-labi rin siya. Sa isip niya’y may tanong na ano ba itong pinasok niya? Nagmumukha na siyang tanga, eh.
‘It’s for, Nakee” mabilis na sagot ng munting tinig sa likod ng kanyang isip.
He took another deep sigh and composed himself. Pasalamat niya rin at tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng kanyang jeans kaya naiwala niya ang pagdadalawang-isip sa kanyang pinasok na bagay.
Nga lang ay napalatak siya nang makitang si Kai ang tumatawag sa kanya. Sana lang ay huwag siyang kulitin na naman ng kaibigan o sermonan.
Kahit may pagdadalawang-isip dahil alam niyang bubungangaan na naman siya for sure ng kanyang kaibigan ay pinindot niya ang receive button.
“At bakit nariyan ka sa Ilocos sabi ni Benz nang tinawagan ko siya ngayon lang? Inihatid ka raw niya riyan. Bakit?” ratrat nga sa kanya agad-agad nang parang asawa niyang kaibigan kahit na hindi pa siya nakakapag-hello.
Naipunas niya ang palad sa bunganga niya. Sabi na nga ba niya.
“Nakakabingi naman,” reklamo niya. Bahagya niyang inilayo ang cellphone niya sa tainga at baka pagbalik niya sa Maynila ay may problema na siya sa eardrum.
“Huwag kang maarte, Aman Buenaventura. Just answer me. What the hell are you doing there?”
“I have already seen Rucia Manrique,” napilitan niyang sabi kung hindi ay hindi siya titigilan ng kaibigan. Inilipat niya ang cellphone sa kabilang tainga niya at humarap sa bentanang yari rin sa matibay na kahoy. Gusto niya iyong buksan para makahinga siya saglit bilang si Aman Buenaventura at hindi Aman na nagpapanggap pero dahil umuulan ng malakas sa labas ay hindi niya magawa.
“What?!” matinis na tinig ni Kai sa kabilang linya. Bumalik na talaga ang kaibigan niyang Kai Suarez na maingay. Naka-move on na talaga sa pagkawala ni Juke Rivas.
“I know you heard me clearly,” tamad niyang aniya. Balik totoong character siya.
“Diyos ko, Aman. Anong binabalak mo sa babaeng iyan? Maghunos-dili ka!” This time ay parang nanay naman niya ang naging boses ni Kai. Sa lahat ng tao na malapit sa kanya ay kay Kai lang niya sinabi ang binabalak niyang paghihiganti kay Rucia Manrique para kay Nakee.
“Basta ikaw na muna ang bahala riyan. Don't worry about me here,” sabi lang niya.
“Huwag ka ngang gago!” singhal sa kanya ni Kai.
“Bye.” Pinatayan na niya ito ng tawag bago pa man sumakit ang ulo niya. Alam niyang hindi siya titigilan ng pagbubunganga ng kaibigan kahit na alam nito na hindi mababago ng ano mang sasabihin nito ang kanyang binabalak na gawing paghihiganti.
“Heto na ang bihisan mo. Magpalit ka na para mapagpahinga ka. May short at t-shirt. Hindi ko nga lang alam if anong size mo kaya nagdala na ako ng iba’t ibang size pati na ang… ang brief,” nang bigla ay boses ni Rucia mula sa kanyang likuran.
Shit! Lingon siya agad. Kanina pa ba ito? Narinig niya ba ang usapan nila ni Kai?
Nabahala siyang napatitig dito.
“Um, sorry pero huwag kang mag-alala wala akong narinig. Iyong ‘bye’ lang. Kakapasok ko lang,” pero nang sinabi iyon ng dalaga ay kahit paano naginhawaan siya. “Girlfriend mo? Nag-alalaa na ba siya sa’yo?”
Mabilis siyang umiling. “Kaibigan lang.”………