PART 8

1965 Words
***** AMAN *****   Self-control to the max ang pagpipigil ni Aman na huwag pagtawanan ang sarili dahil ngayon niya lang napagtanto na magaling din pala siyang um-acting. Kahit hindi niya nakikita ang sarili ay alam niyang convincing ang kunwaring hindi niya naisip na wala siyang kotseng gagamitin nang ipadala niya kay Benz ang kanyang sasakyan. Napangiwi kasi si Rucia. Wari ba’y ang laman ng isip nito ay ang tanga niya. Of course, sinadya niya iyon upang makapanatili pa siya rito sa farmhouse ni Rucia. Balak niya’y umpisahan na ngayon din ang pagkilala pa rito. “’Di bale, okay na. Puwede ka namang mag-bus mamaya pag uuwi ka na,” saglit ay sabi ni Rucia. “Kape na tayo?” at saka anyaya nito ulit papasok. “Let me.” Maagap niyang kinuha ang tray na kinalalagyan ng mga kape. Ibinigay naman ni Rucia sa kanya. Natakam siya kape nang mas humalimuyak ang aroma niyon malapit sa mukha niya. Sayang nga talaga at pinaalis niya agad si Benz. Hindi tuloy matitikman ang purong barako na kape. Umupo sila sa barnisado at nauukitan ng magandang design na yari sa narra na sopa. Magkatapat sila. At hindi na niya hinintay na alukin pa siya ni Rucia ng kape kinuha na niya ang isang mug. Sumimsim kaunti dahil mainit na mainit pa. “Masarap ‘di ba?” tanong nito sa kanya. May pagmamayabang ang ngiti nito. “Yeah. Salamat,” aniya. Sobrang naginhawaan ang kanyang sikmura. “Wait.” Biglang tayo si Rucia. Ang hitsurang nakaturo ang hintuturo sa taas ay mukhang may naalala. “May kalamay pa yata sa ref na bigay ni Chana kahapon. Kunin ko lang.” Kumaripas ng takbo ang dalaga pabalik sa kusina. Nakangiting sinundan niya ito ng tingin. Pero hindi nagtagal ay tumiim ang kanyang mukha. ‘Sige lang, Rucia, maging mabait ka sa taong magpapahirap sa’yo bandang huli,’ then he whispered to himself evilly. “s**t!” Nang bigla siyang napatayo. May tumakbo kasing batang lalaki. Mula sa isang kuwarto yata na kahati ng sala. Napakabilis kaya hindi niya mawari kung maliit na tao ba o bata ba o ano iyon. He had goosebumps all over his arms. Hahaba-haba ang leeg niya na naghintay na may lalabas na bata talaga at makulit lang. Subalit wala na. Medyo matatakutin kasi talaga siya dahil medyo naniniwala siya sa mga multo dahil sa experience niya noong bata siya. Lalo’t kung iisipin niya ay parang abandunado at napabayaang rancho na ang kinaroroonan nila. Nakikiramdam na umikot ang kanyang mga eyeballs sa buong kabahayan. “Oh, f**k!” At anong silakbot na naman niyang naibulalas nang may kumalabit sa kanyang balikat. Gani-ganing mapatalon siya’t magtatakbo palabas. “Anong nangyayari sa’yo?” Maang na mukha ang bumungad sa kanya nang tingnan niya ang nangalabit. He sighed dramatically. Akala niya kung sino na. “Bakit parang takot ka?” tanong pa ni Rucia. Nais niya sanang ikala na hindi siya takot pero magmumukha lang siyang tanga kapag gano’n. Alam niyang kitang-kita sa kanyang mukha ang takot. Ramdam niya ang namuong pawis sa kanyang noo. Baka nga namumutla rin siya. His fear was tangible. ”How long have you lived here?” bago niya sabihing may parang bata siyang nakita kanina ay usisa niya muna. “Mga dalawang taon na. Bakit?” Lalong nakusot ang noo ni Rucia. Sa kanya ang tinginig inilapag nito ang platitong kinalalagyan ng sinabi nitong kalamay kanina. “Hindi ba hunted na ang farmhouse na ito?” Kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay ni Rucia. “Sinasabi mo riyan? Syempre hindi. Ang rancho lang naman ang napabayaan pero itong farmhouse ay kahit kailan ay hindi raw nabakante ng tao kahit noong wala pa ako.” Kamot siya sa kanyang pisngi. All of a sudden he realized what he was saying. Para siyang tanga pala. Sa pagkakataong ito ay gusto naman niyang suntukin ang sarili dahil hindi na nakakatuwa. Parang iyon lang ay para siyang batang takot na takot na. ‘Nakakatakot naman talaga!’ giit ng kanyang utak. He winced. “Hoy!” untag sa kanya ni Rucia. “Okay ka lang?” “Yeah. Pero kasi may nakita akong bata kanina. Doon.“ He pointed where he saw the child ran. Tumaas pa ang timbre ng kanyang boses. Kapag talaga pagdating sa multo-multo kahit usapan lang ay nababakla siya. “May kasama ka bang bata rito? Hindi ba sabi mo matanda lang ang inaalagaan mo?” Napaawang ang mga labi ni Rucia at nakakapanliit ang klase ng tinging ipinukol nito sa kanya. Tila ba ay nasa ilalim siya ng magnifying glass. “Seryoso ako. May bata kanina. Tumakbo mula roon papunta roon,” exagge niyang sabi dahil mukhang hindi naniniiwala ang dalaga sa kanyang sinabi. Nga lang ay biglang humagikgik si Rucia. “Kyd, lumabas ka nga riyan,” pagkuwan ay nag-uutos na sabi ni Rucia habang naka-face palm. Noon nga’y agad na lumabas ang isang bata. Painosenteng magkahawak ang mga kamay nito sa likod nito. Halata agad sa pagkakangiti nito ang kapilyohan. “Ate, nakabalik ka na pala?” Umawang ang mga labi ni Aman. Kung ganoon ay totoong bata ang kanyang nakita na kanyang kinatakutan at hindi--- oh, damn! Tagilid ang ulo na tinitigan ito ni Rucia. “Tinakot mo na naman ang bisita ko, Kyd.” “Po?” Lumabi ang bata. “Mag-sorry ka,” makapangyarihang utos ulit ni Rucia. Hindi umubra ang maang-maangan ng bata na Kyd pala ang pangalan. “Tumakbo lang naman ako para tingnan si LoLo San,” pangnagtwiran pa rin nito. “Sa pagkakaalam ko ay doon ang kuwarto ni San…” Hinditi naituloy ni Rucia ang sentence nito. Wari ay nag-isip muna, “ni Lolo San.” “Lolo San?” Tila ay nanibago si Kyd sa tinawag ng dalaga sa matandang pinag-uusapan nila. “Hindi ba ay---“ Hindi naituloy ni Kyd ang sasabihin dahil mabilis itong nilapitan ni Rucia at pinisil ang magkabilang pisngi nito. “Ang cute mo talaga.” “Aray ko, Ate!” angal ni Kyd. “Sige na. Humingi ka ng sorry sa bisita ko.” “Bakit ako hihingi ng sorry? Kasalanan niya at matatakutin siya.” Ngumuso ang bata. “Oo, tama siya. Hindi niya kailangang humingi ng sorry sa akin, Rucia,” paniningit ni Aman sa usapan ng dalawa. Kinampay-kampay niya ang dalawang kamay habang nakangiti. Kahit na gusto na niyang magpalamon sa lupa sa kahihiyan. What the heck! “Pasensya ka na. Ugali na ng batang ito ang manakot,” nahihiyang wika ni Rucia. “Putlang-putla ka, Kuya, ah? Kalaki mo na, matatakutin ka?” tukso sa kanya ni Kyd. Ang lutong ng naging tawa. Kamot siya sa batok niya dahil hndi naman niya iyon maitatanggi. Matatakutin talaga siya sa loob ng bahay na mga luma o iyong mukhang hunted house. Nag-umpisa iyon noong bata pa lang siya. Mga sampong taong gulang siya. Nagbakasyon sila noon ng daddy niya sa ancestral house nila sa probinsya at doon ay nakakita siya ng white lady nang isang gabi ay nagising siya. Nang dumuwang siya sa bintana ay doon niya nakita ang white lady. Nakalutang sa may puno ng mangga. Kaya nga napansin niya agad at napangiwi siya kanina nang makita niya ang mga punong mangga sa likod ng farmhouse. Sobrang natakot siya noon at dala-dala niya hanggang ngayon. Hindi nga lang niya alam kung totoong white lady iyon noon o panaginip lang niya. Basta tumatak sa batang isip niya ay totoo iyon. Sa kanyang paglaki na lang siya nagduda. “Doon ka na nga!” pagtataboy ni Rucia kay Kyd. “Bayad ko?” pero ungot ng bata. Nakairap sa bata si Rucia na kumapa sa bulsa ng sling bad nito na hindi pa tinatanggal sa katawan. Inilabas doon ang singkwenta pesos at ibinigay rito. “Oh, hayan.” Humahagikgik naman na ang bata na umalis na pagkakuha sa pera. “Sino ang batang iyon?” tanong ni Aman kay Rucia nang wala na ang bata. “Si Kyd siya. Doon pa siya sa kabilang barangay nakatira. Pinapapunta ko lang siya rito para magbantay kay… kay Lolo San kapag may pupuntahan ako. May bayad syempre.” “Ah…” He nodded. He already understands. Makahulugang tinitigan na naman siya ni Rucia. “Seryoso? Natakot ka kanina? Inakala mo talagang multo si Kyd?” "Of course not," his denial came to fast. Ayaw na niyang dagdagan ang kahihiyan niya. Napalabi si Rucia. "Sabi mo, eh," saka sabi na halatang hindi naniniwala dahil pigil-tawa ito. Umupo na ito bilang pagtatapos sa usapang multo. "Itong guwapo kong ito takot sa---" "Hep!" as usual ay pamumutol na naman ni Rucia sa irarason niya. "Sinabi ko nang luma na ‘yang sinasabi na iyan. Madami nang nagkatuluyan." "Pero hindi talaga ako natakot. Tinanong lang kita if may bata 'di ba?" "Oo na. Hindi ka na takot. Umupo ka na't lumalamig na ang kape." Kahit paano ay gumaan ang kanyang loob. Pasaway na bata kasi. "Heto ang kalamay," alok sa kanya ni Rucia sa kakanin na kulay brown at tila inipit sa sobrang nipis nang siya ay umupo. "Masarap yan. Gawang Candon, Ilocos Sur. Laging pinapasalubong ‘yan ng mga tagarito sa Ilocos kapag nagpupunta sa ibang lugar. Minsan nga sold out ‘yan kapag ‘yan ang binebenta ko sa Maynila." "Salamat," aniya. Feeling dyahe nga lang siya ulit nang hindi niya alam paano kainin ang kinuha niyang isang piraso. Pangiti-ngiti siya habang ina-analyze niya sa utak kung papaano ba. Nakabalot kasi sa manipis na plastik ang piniping kakanin. "Ganito 'yan," subalit ay napansin pa rin ni Rucia ang kamangmangan niya sa pagkain na iyon kaya tinuruan na siya. Binuksan nito ang manipis na plastik na bilog. Inipit ang kakanin doon hanggang sa parang naging yema saka ibinigay sa kanya. Kamot-batok na naman siya bago inabot iyon. "Subo mo," sabi ni Rucia. Tumango siya't ginawa. "It’s good," at totoong appreciate niya sa pagkain. He liked the taste. Naiiba sa mga kakanin na nakain na niya. "Sige. Kain ka lang diyan at kape ka lang. Check ko lang si San... si Lolo San. Babalikan kita." Hindi pa man siya nakakapag-react ay iniwanan na siya ni Rucia. Pero dahil naintriga siya kung sino si Lolo San o kung ano ang hitsura ng inaalagaan nitong matanda ay sumunod siya. Nandito lang naman na siya ay susulitin na niya na makita ang lahat ng tungkol sa buhay ngayon ni Rucia. Dalawang palapag ang farmhouse pero sa ibabang kuwarto ang kinaroroonan ng matanda. Sumilip muna siya sa kuwartong pinasukan ni Rucia. At isang matandang mukhang bed ridden na ang nakita niya roon. May lahi na matanda. He had a touch of cauccasion in his features. His thick hair was white and had a mustache. Sa kapayatan ay halatang ginugop na ito ng kung ano mang sakit nito. "Anong sakit niya?" tanong niya nang walang ano mang pumasok siya. Kitang-kita niya ang pagkagulat ni Rucia. "Bakit sumunod ka rito? Mapanghi rito." "It's okay," aniya kahit na nakakaamoy nga siya ng hindi kaaya-ayang amoy. Okay lang naman sa kanya dahil normal na ang amoy na ganoon kapag may alagaing may sakit. "Naku nakakahiya talaga. Sige na. Doon ka na sa sala," pagtataboy pa rin sa kanya ng dalaga. Hindi siya tuminag. "Okay lang talaga. Ang bait mo naman at inaalalagaan mo siya. Sa anong side mo siya lolo?" sa halip ay tanong niya. Para ba'y kay hirap ng kanyang tanong na hindi nasagot iyon ni Rucia. Tumingin ito sa matanda. Ginaya niya. At medyo nagtaka siya nang napansin niyang parang kay sama ng tingin sa kanya ng matanda. Wari ba'y tinatanong siya kung anong ginagawa niya rito sa rancho at sinasabing umalis na siya.........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD