***** RUCIA ***** “Bahay namin ‘yon, ah?!” Literal na nakalaglag ang panga ni Rucia nang makilala niya ang lumang bahay ng kanilang Lolo Raul na ngayon tinutuluyan na na bahay ng kanyang nanay kasama ang isa niyang tita. Halos nakadikit na rin ang nguso niya sa salamin ng bintana ng chopper. Kay likot ng kanyang ulo na patingin-tingin sa ibaba. Hindi na niya mahintay na makalapag sa lupa ang kinasasakyan. Hindi rin siya nahihiya kahit pa halos madaganan na niya si Aman sa pang-aagaw niya sa space nito. “Talaga, ‘Te?” “Oo! Ayun si Nanay, oh!” Patili niyang sagot kay Kyd. Ang ekspresyon ng kanyang mukha kanina na nagtataka ay napalitan na ng matinding excitement. “Nay! Nanay, nandito ako sa eroplano na maliit!” Kahit hindi pa siya nakikita ng ina ay kumaway-kaway na siya’t nagisisig